SM HYPERMART, ININSPEKSYON HINGGIL SA REKLAMO HINGGIL SA MABAHONG AMOY NA INIREREKLAMO SA BAHAGI NG VINZONS AVE! RESULTA, NEGATIBO!

SM HYPERMART, ININSPEKSYON HINGGIL SA REKLAMO HINGGIL SA MABAHONG AMOY NA INIREREKLAMO SA BAHAGI NG VINZONS AVE! RESULTA, NEGATIBO!

Absuwelto ang SM Hypermart hinggil sa matagal nang inirereklamong mabahong amoy na nangangalingasaw sa may bahagi ng Vinzons ave. sa mismong centro ng Daet.


Kahapon, isinagawa ang actual inspection sa mga drainage at water waste outlet ng ng SM Hypermart ng Municipal Engineering Office MEO, RHU at ng Municipal Environment and Natural Resources Office MENRO, kasama ang Manager ng nasabing istablishimento at ang mismong nag rereklamo na si Engr. Nomer Ilagan.
Mismong pinangunahan ni Municipal Engineeer Jesus Fernandez ang nasabing inspection at nabatid na hindi dito nanggagaling ang nasabing mabahong amoy.
Nagsagawa din ng flashing ang SM Hypermart ng kanilang mga waste materials, subalit nakitang maayos ang sistema ng kanilang waste disposal.
Unang isinagawa ang inspection sa nasabing establishimento, bunsod ng naunang mga reklamo na nakarating maging sa Sangguniang Bayan ng Daet at sa DPWH na nagsimula ang masamang amoy simula nang mag bukas ang SM Hypermart.

Bunsod ng negatibong resulta sa SM, isasagawa muli ng naturang grupo sa mga susunod na araw ang pag inspeksyon sa mga karatig na establishimento patungo hanggang sa may bahagi ng centro kung saan sinasabing sumisingaw ang mabahong amoy.

Nanawagan ang pamunuan ng RHU, MEO at MENRO sa mga may ari ng establishimento sa nasabing lugar na tiyakin na maayos ang kanilang mga waste disposal system upang hindi ito mauwi sa pagpapasara sakaling mapatunayan ang mga paglabag nito hinggil sa enmvironmental  code ng bayan ng Daet.

Narito ang opisyal na pahayag ni Municipal Engr. Jesus Fernandez matapos ang kanilang inspeksyon;

“Noong April 6, 2014, simula alas 2:00 hanggang alas 5:00 ng hapon ang inyong lingkod kasama ang representative ng RHU, MENRO ng LGU Daet at si Engr Nomer Ilagan, ang nagrereklamo sa masangsang na amoy ng drainage sa Elevated Plaza ay nagtungo sa SM Hypermart upang tingnan ang kanilang sewage treatment facility, para alamin kung doon nanggagaling ang masangsang na amoy sa ating drainage system sa sentro ng Daet.

Sa aming pagsisiyasat, nakita namin ang systema ng kanilang high-tech sewage treatment facilities na nag-iisa sa buong Camarines Norte. Ito ay kinustruct base sa sinumeteng plano ng pamunuan ng SM sa Building Official ng bayan ng Daet at aprobado ng DENR base sa Environmental Compliance Certificate (ECC) na pinag-issue ng ahensya.

Makikita natin sa larawan ang derektang pagsisiyasat sa pamamagitan ng pagtingin at pag-amoy ng sewage water na nagmumula sa SM treatment facility bago ito idischarge sa combined sewer system ng bayan ng Daet.
Ayon sa aktwal na pagsisiyasat ay napag-alamang ito naman ay treated na at walang masangsang na amoy at sinigurong hindi galing dito ang inirereklamong masangsang na amoy sa lugar ng Elevated Plaza at mga karatig lugar.

Theorya ng masangsang na amoy: dahil sa combined sewer system na siyang existing set-up na ginagamit ng ating bayan, ang laman ng ating mga drainage pipes sa ilalim ng lupa ay dapat magkasama ang storm water runoff or rainwater at sewage ng lahat ng mga establisemento sa centro ng Daet, gaya ng bituka ng isda at dugo ng mga karne na nagmumula sa wet section ng pamilihang bayan ng Daet., at ganon din sa iba pang establishments tulad ng Chowking, Graceland, Fryers, Mang Inasal, Jollibee, Golden Palace at marami pang iba.. Dahil ngayon ay tag-init ang ating drainage system sa ngayon ay hindi nalalagyan ng storm water runoff kaya ang sewage galing sa mga establisemento ay STAGNANT sa malalaking pipes ng ating drainage system. Dahil dito

nagkakaroon ng decomposition sa loob ng mga drainage pipes natin na nagpo-produce ng hydrogen sulphide at iba pang gasses na pinagmumulan ng mga masangsang na amoy. Sa tuwing ang SM ay magdidischarge ng treated sewage sa combined sewage system na katumbas ng isang fire truck load na tubig ay nabubulabog o nagagalaw ang STAGNANT SEWAGE sa loob ng drainage pipes at lumalabas ang masangsang na amoy ng gasses, kung kayat ito ang ating naaamoy na lumalabas sa mga inlet ng ating drainage system.

Ang theoryang ito ay sinang-ayunan ng ating Building Official sa katauhan ni Engr. Cael de Alba at ng ating licensed plumber na si Engr. Ringo Nudo.
Solusyon:

Pwede naman nating pansamantalang takpan ang mga inlet ng storm water sa tapat ng inyong mga establishment upang hindi lumabas ang masangsang na amoy. Ito naman ay amin na lamang aalisin kapag dumating na ang tag-ulan

JESUS T.L.FERNANDEZ, JR.
Municipal Engineer

Nag uulat,

Rodel Llovit/Ricky Pera

CNNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *