1M PESO BUDGET PARA SA COMFORT ROOM SA ELEVATED PLAZA, PINABULAANAN NI KONSEHAL JOAN TABERNILLA! PINEAPPLE FOUNTAIN, BUBUKSAN SA PUBLIKO BAGO ANG PINYASAN FESTIVAL!

Nilinaw ni Konsehal Joan Kristine Tabernilla-De Luna ang mga unang lumabas na issue hinggil sa isang milyong pisong pondo na laan lamang para sa pagpapagawa ng comfort room sa Elevated Town Plaza.

Sa panayam ng Camarines Norte News kay Konsehal De Luna, pinabulaanan nito ang mga unang napaulat kaugnay ng naturang napakalaking halaga na laan lamang sa nasabing comfort room.  Anya, ang isang milyong piso ay para sa napakaraming pagawain para sa Elevated Town Plaza na kasalukuyang isinasagawa ngayon. Bukod sa comfort room, kabilang pa dito ang rampa ng dadaanan ng mga persons with disability paakyat ng plaza, furniture and fixtures at ang para sa pagpapagawa ng central operation center ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO)at ilan pang pagawain sa naturang lugar.

Ayun pa kay De Luna na inihahanda nila ang MDRRMO Central Command kung saan dito na ang pinaka main base ng nasabing tanggapan sa panahon ng kalamidad. Maaari na rin itong maging evacuation center kung kinakailangan dahilan sa bukod sa matatag ay mataas ang nasabing lugar.

Samantala, una na ring sinabi ni Mayor Tito Sarion na bago magsimula ang Pinyasan Festival ay isang bagong mukha ang makikita sa Elevated Plaza.  Isang bagong parke na para sa buong pamilya, isang bagong amphi theatre para sa mga makabuluhan at palatuntunang palabas para sa publiko. Kasabay nito ang pagbubukas ng ipinapagawang Pineapple Fountain na magsisilbing Tourist Attraction sa bayan ng Daet.

Nag uulat,

Donde Consuelo/Ricky Pera

CNNews

Photo by: Jeffrey De Leon

Rodel M. Llovit

Managing Editor

Leave a Reply

Your email address will not be published.