Muling mag iinspeksyon ang Department Of Trade Industry(DTI) sa mga malalaking tindahan ng School Supplies sa Bayan ng Daet.
Kahapon sana ang simula ng kanilang pagmomonitor sa mga tindahan, subalit hindi ito natuloy dahil kararating lang kahapon ng Suggested Retail Price (SRP) listahan ng mga dapat sundin ng mga manininda.
Asahan din natin sa Huwebes hanggang biyernes ang simula ng pag iinspeksyon sa mga tindahan ng School Supplies at malalaman kung sino ang hindi sumusunod sa tamang presyo o sa patakaran na ibinigay ng Suggested Retail Price (SRP).
Samantala, ang pag iinspeksyon ay magsisimula sa Mayo 15-16, 2014, samantalang siyam na mamalaking tindahan o supplyer ng mga gamit sa paaralan ang oobserbahan.
Para naman sa mga gamit na maaring tignan ng DTI ay ang Composition Notebook, Pad Paper Grades 1-4, Pencil (Regular size), Writing note book, Intermediate paper, Pencil (Jumbo Size), Crayon, Ballpen, Spiral note book.
Kaya payo naman ng DTI sa mga mamimili ngayong pasukan, na mag ingat sa mga tindahan na Overprizing at maaring tumawag o pumunta sa kanilang opisina at magsumbong hinggil sa mga umaabusong negosyante.
Nag uulat,
Jeffrey De Leon
CNNews Correspondent