MULTI-AWARDED PDRRMO HEAD, DR. CARLOS GALVES, PUMANAW NA KAGABI!

MULTI-AWARDED PDRRMO HEAD, DR. CARLOS GALVES, PUMANAW NA KAGABI!

Labis ang panghihinayang ng mga nakakakilala kay Dr. Carlos Galvez, PDRRMO Head sa lalawigan ng Camarines Norte sa pagpanaw ng nasabing opisyal kagabi May 8, 2014 sa Leon Hernandez Hospital.

Dating nanungkulan si Galvez bilang Municipal Planning and Development Officer ng bayan ng Labo sa mga nakatalikod na panahon.Nagsilibi rin ito bilang PDRRMO head sa panahon ni dating governor Atoy Typoco at napagtuloy ng panunungkulan hanggang ngayon sa administrasyon ni Gov. Edgardo Tallado. Pinagpatuloy ni Tallado ang panunungkulan ni Galvez dahilan sa nakikita ditong sipag at galling sa pamamalakad sa disaster risk reduction management. dati rin siyang naging station manager ng DWLB Fm Labo sa ilalaim ng pamumuno ni dating Mayor. Winnie Balce Oco.

Sa panunungkulan ni Galvez bilang PDRRMO chief sa Camarines Norte, samu’t saring pagkilala at parangal ang tinanggap nito bunga ng matinding dedikasyon sa kanyang trabaho na nangunguna sa paghahanda ng mga mamamayan sa anumang kalamidad.

Nagsasagawa ito ng mga trainingsa mula sa mga brgy, sa mga paaralan o mga estudyante hindi lamang dito sa Camarines Norte kundi maging sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Maraming award din ang tinanggap ng lalawigan dahilan sa mga programa ni Galvez hinggil sa Disaster preparedness.

Si Galvez din ang katuwang ni Governor Edgardo Tallado sasa pagkakatatag ng Training Center for Disaster Preparedness sa Brgy Mat-E Vinzons na kauna-unahan sa bansa. hanggang sa ngayon ay nagpapatuloy ang isinasagawang training ng mga mag aaral na bahagi ng iniwang mga programa ng namayapang opisyal.

Labis din ang panghihinayang ni Governor Edgardo Tallado sa pagkawala ni Dr. Galvezl na maituturing na isa sa pinakamasipag na kawani ng pamahalaang panlalawigan.

Pumanaw si Dr. Galvez kahapon sa edad na 59 dahilan sa isang karamdaman.

Nag uulat,

Ricky Pera

CNNews

Leave a Reply

Your email address will not be published.