THE PROS AND CONS OF 63M LOAN OF LGU-DAET!

Lusot na sa Sangguniang Bayan ng Daet ang ordinansang nagpapahintulot sa Pamahalaang lokal ng Daet na makapag-utang ng halagang Php63,670,000.00 para sa tatlong (3) priority projects ng nasabing bayan.

Kahapon sa regular na sesyon ng SB Daet, isinulong ni Konsehal Joan Kristine Tabernilla-De Luna ang naturang ordinansa sa pangalawa at sa pangatlong pagdinig.

Pinangalawahan ito nina Konsehal Rosa Mia King, Sherwin Asis, Atoy Moreno at Elmer Bacuño, samantalang naglatag naman ng pagtutol si Konsehal Concon Panotes.

Agaran ding naaprubahan ang nasabing ordinansa na naglalayong mapondohan ang mga sumusunod:

1.       ACQUISITION OF WASTE DIVERSION SCHEME (Waste recycling plant);

2.       CONSTRUCTION OF TRADING CENTER; at

3.       PURCHASE OF ADDITIONAL HEAVY EQUIPMENTS (Road Roller or Pison) 

Kinuwestyon ni Liga ng mga Barangay President, Punong Brgy Benito Ochoa kung bakit sa ganito kalaking halaga ay tila minamadali ang pagcertify nito bilang urgent matter. Samantalang hayagan naman ang naging pagtutol ni Konsehal Concon Panotes sa kadahilanang hindi anya kinakailangan ang pag-utang ng pamahalaang lokal sa kasalukuyan. Bagay na agaran ding sinagot ng proponent ng ordinansa na si Konsehal Joan Kristine Tabernilla-De Luna.

Narito ang palitan ng mga paliwanag ng magkabilang panig:

Panotes – “Wala pang feasibility study ang pamahalaang lokal para sa nasabing mga proyekto.”

Sagot ni Tabernilla-De Luna: “Meron na, kumpleto ito ng lahat ng requirements, kaya lang hindi nag-aalam si Konsehal Panotes ay dahil parati itong absent sa tuwing mapag-uusapan ito.”

Panotes: Hindi pa rin anya nai-coconvert ang kasalukuyang Daet Central Terminal Complex mula sa agricultural tungo sa Commercial o Industrial at hanggang ngayon anya ay nagrerenta lamang ang pamahalaang lokal sa pribadong nagmamay-ari nito.

Sagot ni Tabernilla-De Luna: sa kanyang pagkakaalam ay nasa proseso na ito at wala naman silang nakikitang problema sa lupa dahil mismong ang bangko ay hindi papayag na makautang kung may nakikita itong problem sa lupa.

Banat ni Panotes:  “Wala naman kinikita pa ni singkong duling hanggang sa ngayon ang LGU Daet sa pag papatayo ng terminal.”

Paliwanag ni De Luna: “saan sya kumuha ng impormasyong yan? Bakit hindi nya tingnan sa Treasurer’s office!”

Panotes ulit:  “Wala rin ipinapakitang specifications para sa bibilhing heavy equipments.”

Tabernilla-De Luna: “magdedepende ang magiging presyo ng heavy equipments sa specification ng bibilhin. At nakahanda na ang lahat ng mga requirements. Attend attend din kasi ng mga meeting pag may time! Nag-attend sa session ng Sangguniang Bayan ng Daet ang dalawang bangko at nakapagtataka na hindi nya alam ang mga nangyayari???!”

Eto pa ang bira ni panotes:  “puro lang galing sa Internal Revenue Allotment (IRA) ang ipinambabayad sa mga dati nang pagkakautang.  Papano na ang iba pang mga basic services???”

Upak naman ni Tabernilla: “Hindi talaga nag-aalam ng mga nangyayari sa munisipyo! Hindi naman pwedeng ipambayad lahat ng IRA, dahli self-liquidating naman ang mga existing loans ng LGU, sa katunayan tapos na tayo sa pagbayad ng palengke, patapos na rin ang Ice Plant at iba pang loans. Mas lalong lumalaki ang kakayanan nating magbayad dahil patapos na ang mga utang natin.”

Panotes: “Hindi dapat na umutang ngayon ang Pamahalaang Lokal ng Daet dahil malaki naman ang income! Ang kailangan ng Daet ay isang malinis na pamahalaan, at walang kurapsyon!”

Tabernilla De Luna: “Ang pagkakalagay ba natin bilang top competitive municipality ay larawan ng bulok na pamahalaan? Ang pagpasok ba ng malalaking investors sa ating bayan ay simbolo ng pagbagsak ng ekonomiya?”

(End of debate)

Sa hiwalay na panayam ko kay konsehal Sherwin Asis na isa rin sa pumayag para sa pag-utang, sinabi nito na normal lamang sa isang pamahalaang lokal ang pumasok sa ganitong sistema para lamang mapabilis ang pagtugon sa mga pangangailangan ng mamamayan.  Hindi daw sasapat ang pumapasok na IRA at mga local revenues para makabili ng mga equipments o makapagpatayo ng mga pasilidad na magagamit para sa pagtugon sa pangangailangang pang-ekonomiya ng isang bayan.

Binanggit nito na maging si 2nd District Representative Elmer Panotes ay nangutang din naman noong panahon na ito ay alkalde pa.  Ang ibang mga mauunlad na ciudad at bayan sa bansa ay nangungutang pa rin para mas lalong mapabilis ang pag-unlad at pagseserbisyo.

Hindi talaga dito sang-ayon si Panotes dahil malakas ang kanyang paniniwala na kaya ng Daet na makabili ng mga bagay na ito ng hindi umuutang.  Malaki daw kase ang income ng Daet.

Nakapasa na nga sa Sangguniang Bayan ang ordinansa. Hindi pa po dito magtatapos… dahil isa lamang ito sa mga requirements ng Land Bank para tuluyang makapagpalabas ng pondo para dito.

Open po ang bidding para sa lahat sabi ni Konsehal De Luna, pwede raw magbantay ang sinuman para matiyak na nasa legalidad ang magiging proseso nito.

Narito naman ang pagkakahati-hati at iba pang detalye ng pondong uutangin na nagkakahalaga ng Php63,670,000.00 :

1.       1. Acquisition of Waste Diversion Scheme (Waste Recycling Plant) = P35,000,000.00

2.       2. Construction of Trading Center = P 8,670,000.00

3.       3. Purchase of Additional Heavy Equipment (Pison) = P20,000,000.00

Babayaran ang unang dalawang item sa loob ng sampung(10) taon, samantalang pitong (7) taon lamang babayaran ang road roller (pison). Meron itong interes na 6.00% kada taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published.