Isang malaking tagumpay para sa lalawigan ng Camarines Norte ang isinasagawang Farm Tourism Conference sa bansa.
Sa panayam kay Board Member Pamela Pardo, SP Committee Chairman on Tourism, malaking karangalan para sa lalawigan na dito ganapin ang nasabing pambansang aktibidad.
Dinaluhan ito ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang lungsod, bayan at lalawigan sa bansa, partikular ang mga may mga kaugnayan sa agrikultura at turismo.
Ipinagpasalamat naman ni Governor Edgardo Tallado ang matagumpay na aktibidad na ito sa lalawigan na isa sa mga naging ideya ng gobernador na dalhin ang atensyon ng turismo sa bansa upang mapalakas ang agrikultura at turismo sa lalawigan na sinuportahan naman ni dating Department of Tourism Secretary Mina Gabor na bahagi din ng nasabing programa. Sa ngayon, ang turismo at agrikultura ang pangunahing prayoridad ng pamahalaang panlalawigan sa pamumuno ni Governor Tallado.
Labis din naman ang naging pasasalamat ni Provincial Tourism Officer Atty Debbie Francisco sa pagdalo ng mga kinatawan mula sa mga lugar ng Negros, Cordillera, Batangas at maging mula sa mga lalawigan sa rehiyong Bicol. Ilang mga alkalde din mula sa iba’t ibang bayan ang dumalo kasama ang kanilang mga Agruculture at Tourism officers.
Kanya kanyang presentasyon ang isinagawa naman ng mga nagsipagdalao upang i-showcase ang mga farm products mula sa kanilang mga lugar na nagiging bahagi ng kanilang turismo. Layunin ng nasabing aktibidad na maging tourism attraction ang mga sakahan sa bansa.
Maging si Mayor Tito Sarion ay nagpahayag din ng kagalakan sa nasabing aktibidad. Ipinagmalaki din ni Sarion ang iba’t ibang produktong agrikultura na matatagpuan sa bayan ng Daet partikular ang pinya na sa ngayon ay kilala na rin sa buong bansa. Buo din ang suporta ng alkalde ng Daet sa nasabing programa ng gobernador na pakikinabangan ng mga mamamayan hindi lamang sa kanyang bayan kundi maging sa buong lalawigan.

(photo taken by Ricky Pera)
Ricky Pera / Eliza Llovit
CNNews