AGM BUCSIT NG CANORECO, NAG UMPISA NA! 1 DATING BOARD OF DIR,PINUTULAN NG KURYENTE! MILYONG MILYONG MAY MGA UTANG NA NEGOSYANTE, ISUSUNOD NA!

AGM BUCSIT NG CANORECO, NAG UMPISA NA! 1 DATING BOARD OF DIR,PINUTULAN NG KURYENTE! MILYONG MILYONG MAY MGA UTANG NA NEGOSYANTE, ISUSUNOD NA!

Nagsimula nang gumalaw ang bagong pamunuan ng Camarines Norte Electric Cooperative, CANORECO, sa pamamagitan ni Acting General Manager Engr. Wilfredo Bucsit kaugnay sa mga dapat ayusin sa nasabing kooperatiba.

Nitong nakatalikod na linggo, pinutulan ng serbisyo ng kuryente ang si dating CANORECO Board of director Dasco ng bayan ng Paracale na nagkakautang ng halagang 112 libong piso.

Nabatid na agaran din namang nakapag bayan ang dating opisyal ng CANORECO kung kayat agaran din namang naibalik ang serbisyo ng kuryente nito.

Samantala, nabatid din na ngayon linggo isusunod na ring galawan ni Engr Bucsit ang ilan pang mga negosyanteng may malaking pagkakautang sa kooperatiba sa mga bayan ng Paracale at Jose Panganiban. Iisa-isahin na umano itong putulan sa mga susunod na araw simula ngayon.

Sa kasalukuyan ay umaabot na sa humigit kumulang 4 na milyong piso ang mga pagkakautang mula sa ibat ibang mga negosyante at inidibudwal sa nasabing mga bayan.

Ang nasabing pagkilos ni Acting GM Bucsit ay senyales na simula na ito ng pagpapatupad ng patas ng mga alituntunin ng canoreco, maging malalaking negosyante man o ordinaryong miyembro konsumedores.

Sa ngayon ay hindi muna gaanong nakikipag ugnayan sa Media si Engr. Bucsit para na rin mapagtuunan ng pansin ang mga kasalukuyang Gawain ng pagsasaayos ng sistema ng kooperatiba.

Kamakailan nlang din ay nagkaroon na ng pagbabago sa polisiya hinggil sa pagpuputol ng kuryente. Tuluyan nang ibinasura ang “isang resibo, putol” ng canoreco at sa ngayon ay “dalawang resibo, putol” na. Ito ay para na rin sa kapakanan ng mga maliliit na miyembro konsumedores na pangunahing tinatamaan ng nasabing dating polisiya.

Si Engr. Wilfredo Bucsit ay itinalaga ng National Electrification Administration NEA sa CANORECO bilang Project supervisor bilang tugon na rin sa kahilingan ng Sangguniang Panlalawigan at ngayon ay naitalaga na rin bilang Acting General Manager.

Sa ngayon ay umaasa ang mga miyembro konsumedores at maging ang Sangguniang Panlalawigan na magiging maayos na ang takbo ng canoreco sa panunungkulan ni Engr Busit at inaasahan ding maisasaayos ang lahat ng mga iregularidad na kinapapalooban ng canoreco sa nakalipas na mga panunungkulan.

CNNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *