BRIGADA ESKWELA, ISASAGAWA SA MAYO 19 TO 23, 2014!

BRIGADA ESKWELA, ISASAGAWA SA MAYO 19 TO 23, 2014!

Muli ay sisimulan na ng Department of Education ang tanunang isinasagawang Brigada Eskwela sa mga pampublikong paaralan sa lalawigan ng Camarines Norte.

Sa pakikipag uanayan kay Dept. Ed Division Superintendent Dr. Arnulfo Balane, sinabi nito na nito ay sa preparasyon upang maisaayos ang mga paaralan sa pagbubukas ng klase ngayong Hunyo 2, 2014.

Ang brigade Eskwela ay pagtutulungan ng mga magulang at mga Guro sa pag lilinis ng mga classrooms at paaralan upang sa pag pasok ng mga estudyante ay agaran na silang makapag sisimula na klase at hindi na kinakailangan pang mag linis ng paaralan.

Nagpasalamant naman si Balane sa mga magulang na patuloy na nagpapakita ng suporta sa pag aaral ng kanilang mga anak sa pamamagitan na padadalo sa mga kahalintulad na aktibidad ng paaralan.

Samantala, tiniyak din ni Supt. Balane na ipatutupad din ngayon ang walang sapilitang pagpapabayad sa mga magulang sa pag enroll ng kanilang mga anak sa mga pampublikong paaralan na sakop ng Department ang Education.

Maaari anyang ipaabo9t sa kanyang tanggapan ang sumbong sakaling may mga guro na hindi mpapayag na mag enroll ang isang estudyante dahyilan lamang sa bayarin.

Gayunpaman, nilinaw ng opisyal na anuman ang mga lehitimong bayarin  ng mga magulang sa kanilang pag enroll ng mga anak ay kinakailangan pa rin bayarin sa panahon na maluwag na o makapag ipon na ang mga ito sa kalagitnaan o bago pa matapos ang semestre.

Nag uulat,

Ricky Pera

CNNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *