AGRI-PINOY TRADING CENTER SA CAM NORTE NA KAUNA-UNAHAN SA REHIYONG BICOL, NAGBUKAS NA!

Pinangunahan nina Agriculture Secretary Proceso J. Alcala at Governor Edgardo Tallado, kasama si Vice Gov. Jonah Pimentel ang inagurasyon ng umaabot sa 44.2 milyong piso Agri-Pinoy Trading Center (APTC) sa bayan ng Vinzons, Camarines Norte, ang kaunaunahan sa rehiyong bicol at sa buong bansa sa panahon ng Aqiono Administation.

Ang naturang proyekto ay susog sa matagumpay na “Centrong Pamilihan ng Quezon” na isinagawa naman ni Secretary Alcala noong sya ay nanunungkulan pa bilang kinatawan ng ikalawang distrito ng nasabing lalawigan, na naglalayong maging sentro ng kalakalan ng mga produktong agrikultura mula sa mga magsasaka tungo sa mga magtitinda sa napakamurang halaga (wholesale price).

Ang nasabing pasilidad na matatagpuan sa Sitio Mat-I, Brgy Sto. Domingo Vinzons ay may sukat na 5.6 ektarya nap ag aari ng pamahalaang panlalawigan ng Camarines Norte. Kumpleto din ito ng mga pasilidad katulad ng 675 square meter building na may kasamang food storage, cold storage, opisina at trading floor.

Isa pang gusali ang itinayo bilang farmer’s lounge na may espasyo para sa canteen, power house at guard house. Malawak din ang parking space. Ito ay may kabuuang 34.86 milyong piso o may 79% mula sa pondo ng Dept of Agriculture at 21 porsiento lamang ang nanggaling mula sa kaban ng Camarines Norte.

Inaasahang aabot sa 10,000 mga magsasaka at mga magtitinda ang makikinabang sa nasabing proyekto na nagsasaka sa 33,198 na sakahan sa humigit kumulang 15,00 ektarya ng pansakahang lupa ng lalawigan. Inaasahan ang magiging resulta nito ang pagbaba ng presyo ng mga produkto at mapapalawak ang paglawak ng makikinabang dito bunsod ng karagdagang tulong mula sa pamahalaan sa pamamagitan ng mga sasakyang magagamit para sap ag transport ng kanilang mga produkto mula sa mga barangay tungo sa Trading Center at mula sa Trading Center tungo naman sa mga palengke. Tatlong trucking equipments ang ipapagamit ng pamahalaang panlalawigan para sa nasabing pag dadala ng mga kalakal.inaasahan na mas mapapalakas pa lalo ang kalakalan sa nasabing lugar hindi lamang sa lalawigan kundi maging sa mga karatig lalawigan o hanggang sa Metro Manila.

Bukod kay Secretary Alcala, kasama din sa nasabing programa si Department of Agrarian Reform Secretary Virgilio De Los Reyes, include Leandro H. Gazmin, director of DA Agribusiness and Marketing Assistance Service; Executive director Helena B. Habulan, Municipal Development Fund Office of the Department of Finance; DA Bicol Regional Executive Director, Abelardo. R. Bragas, DAR regional director, Luis B. Bueno, Jr; DSWD regional director Arnel B. Garcia, Director Shandy Hubillla , DA- PRDP Luzon B Program Coordinator. Pinangunahan naman ni Governor Edgardo Tallado at Vice Governor Jonah Pimentel kasama ang mga bokal ang nasabing okasyon bilang kumakatawan sa lalawigan.

Samantala, sa nasabi ding okasyon isinagawa ang lagdaan ng Memorandum of Agreement para sa implementasyon ng Philippines Rural Development Program (PRDP) sa pagitan nina Sec. Alcala at ni Governor Tallado. Ang lalawigan ng Camarines Norte ang napili ng nasabing ahensya ng pamahalaan bilang pilot implementation ng nasabing proyekto at napili ang produktong niyog na may geonet bilang pangunahing produkto na prayoridad na paglalagakan.

Namahagi din si Alcala sa mga magsasaka mga farmer’s organization at kooperatiba ng mga hand tractors with trailers at ilan pang mga post-harvest and processing equipments, green house, farm implements. Certified seeds, assorted vegetables, mga biik, packet of sheep, mga kalabaw kasama ang araro, thresher at ilan pa na nagkakahalaga ng mahigit 52.6 milyong piso.

Samantala, pinangunahan naman ni DAR Secretary De Los Reyes ang ceremonial turn-over ng 2nd Agrarian Reform Communities Project (ARCP II) para sa lalawigan. Tinurn over din ni Executive Director Habulan ang PBSGP check sa pamahalaan panlalawigan.

Pagkatapos na nasabing programa, hinarap naman ni Sec. Alcala, DAR Sec Delos Reyes at Governor Edgardo Tallado ang mga mamamahayag para maipaliwanag ang mga detalye ng nasabing programa.

Samantala, labis labis naman ang pasasalamat ni Governor Edgardo Tallado sa nasabing mga opisyal sa malaking tulong na naibigay para sa mga magsasaka at maging sa mga magtitinda dito sa kanyang nasasakupan.

Inihayag ni Tallado na bunga na rin ito ng kanyang pag tityaga na pumunta sa maynila at makiusap sa mga matataas na opisyal ng bansa upang humingi ng tulong na maihahatid sa mga mamamayan ng Camarines Norte.

Nanindigan si Governor Tallado na kanyang titiyakin na tatakbo ng maayos ang nasabing Trading Center upang mapakinabangan hindi lamang sa ngayon kundi sa mga susunod pang panahon. Personal na imomonitor ng gobernador ang magiging takbo nito upang masigurado na magiging magaan na ang pamumuhay ng mga magsasaka sa lalawigan.

Sa ngayon ay pinag aaralan na rin ng Dept of Agriculture at ng pamahalaang panlalawigan kung papano matutulungan at mapapalakas ang pagsasakahan sa mga malalamig ng lugar sa lalawigan, partikular sa bahagi ng San Lorenzo Ruiz. Dito nakatakdang tulungan ni Tallado ang mga magsasaka para makapag tanim ng mga produktong nabubuhay lamang sa mga malalamig na lugar. Anya, darating ang panahon na hindi na natin kailangan pang mag angkat ng mga gulay at mga produkto mula sa benguet o baguio sakaling maisakatuparan na ito.

Una nang naipatupad ng gobernador ang mga proyektong farm to market roads na naging dahilan para maging madali na ang pagtatransport ng mga produktong agrikultura mula sa mga sakahan tungo sa palengke. Sa ngayon, wala na anyang tatayong middle man at direkta na ditong bibili ang mga magtitinda sa palengke.

Ito na anya ang katuparan ng kanyang mga pangarap na mapagaan ang pamumuhay ng mga magsasaka na malaking tulong sa ekonomiya ng lalawigan.

Bilang dating magsasaka, ninais ni Tallado na bigyan ng prayoridad sa lalawigan para makaahon na ang mga ito sa kahirapan bunsod ng kakulangan ng pansin sa mga ito ng mga nakatalikod na administrasyon ng lalawigan.

Eliza H. Llovit

Editor, CNNews

Other Photos:



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *