Umaabot sa 8 milyong piso ang inalaang pondo upang magsagawa na ng water system sa isla ng Calaguas ang lokal na pamahalaan ng bayan ng Vinzons.
Ito ang tiniyak ni Vinzons Mayor Agnes Diesmo Ang. Ayun sa alkalde, nagsimula na silang magsagawa ng testing ng mga lugar kasama ang DENR-MGB regional office noong nakalipas na May 8 2014.
Ang naturang pundo ay mula naman sa Department of Interior and Local Government, ayon pa kay Mayor Agnes ang na masisilbihan ng naturang water system ay ang dalawang sito ng isla ang Banocboc at Biday na kung saan ay matagal na itong inaasam ng kanyang mga namamaranggay sa naturang isla.
Bagamat kilala na ang Calaguas Island sa buong bansa at dinadayo na ng mga turista, hanggang sa kasalukuyan ay nananatili pa rin ang problema dito sa tubig, kuryente at komunikasyon.
Ayon kay Mayor Agnes Ang, uunahin nilang pag-aralan kung saang lugar may pagkukunan ng malakas ng source ng tubig sa alin mang lugar sa tatlong sitio ng isla. Samantala inamin naman ng alkalde na walang pa ring ordinansa ang kanyang bayan na magreregulate sa umuunlad na turismo sa kanyang bayan kung kayat kanyang pinagaaralan din niya ang pagpapalabas ng isang excutive order
na magreregulate sa mga travel agency sa calaguas island upang maging maayos ang sistema at upang hindi mapagsamantalahan ang mga turista at mapaganda pa ang serbisyo sa mga ito, gayundin ang pagkakaroon ng magandang ugnayan sa pagitan ng pamahalaang lokal ng Vinzons at sa mga Tour and Travel Agencies na nagdadala ng mga bisita sa kanilang isla.
Ricky Pera
CNNews
Rodel M. Llovit
Managing Editor