BREAKING NEWS! MABULAO BRIDGE, NAMIMILIGRONG HINDI MATAPOS BAGO MAG FIESTA NG DAET! ISANG RESIDENTE MALAPIT SA TULAY, HINDI PUMAPAYAG NA GIBAIN ANG BAHAGI NG KANILANG BAHAY! DPWH, HUMINGI NG SAKLOLO SA LGU DAET!

BREAKING NEWS! MABULAO BRIDGE, NAMIMILIGRONG HINDI MATAPOS BAGO MAG FIESTA NG DAET! ISANG RESIDENTE MALAPIT SA TULAY, HINDI PUMAPAYAG NA GIBAIN ANG BAHAGI NG KANILANG BAHAY! DPWH, HUMINGI NG SAKLOLO SA LGU DAET!

Hiniling na ng Department of Public Works ang Highways  DPWH na mamagitan na ang pamahalaang lokal ng Daet kaugnay sa kanilang kinakaharap na problema hinggil sa pag-tutol ng isang residente malapit sa naturang tulay na maapektuhan ang kanilang bahay kaugnay ng konstruksyon ng Mabulao Bridge.

Nabatid ng CNNews na hindi ngayon makapag buhos ng semento ang kontratista ng nasabing kontrobersyal na tulay dahilan nga sa nasabing sitwasyon.

Ito ngayon ang malaking problemang kinakaharap ng DPWH matapos na maipangako na matatapos ang nasabing tulay bago sumapit ang kapiyestahan ng Bayan ng Daet sa Hunyo 24, 2014.

Sa ngayon ay dinadaan pa muna ng DPWH sa pakiusapan bago tumungo sa legal na hakbangin kung kinakailangan. Nabatid din na ang naturang bahay ay pag aari umano ng pamilya Abano.

Humingi na rin ng saklolo kay Mayor Tito Sarion ang DPWH na kung maaari ay pumagitna na sa nasabing usapin upang matapos ang gusot ng matiwasay.

Samantala, sa follow up ng CNNews kay Mayor Tito Sarion, sinabi nito na nai-refer na nya sa kanyang Municipal Legal Officer ang nasabing usapin.Inaantabayanan pa ng aklakde kung ano ang maaaring gawing hakbang hinggil sa isyu upang maresolbahan ito ng hindi aabot sa marahas na hakbang.

Malaking bahagi umano ng bahay ng mga Abano ang masasakop ng pag giba sakaling ipagpatuloy na ito.

Abangan ang mga susunod pang detalye ng panibagong kontrobersiyang ito ng kinakaharap ng nasabing tulay na halos aabutin na ng siyam na buwan.

Narito ang plano para sa nasabing tulay:

Nag uulat,

Rodel Macaro Llovit

CNNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *