Umaabot sa mahigit na 20 milyong pisong proyekto ang tinanggap ng lokal na pamahalaan ng bayan ng Sta Elena mula naman sa Dept of Agriculture, ito ang masayang pahayag ni Mayor Dina Borja sa CNNews, sa pagbubukas ng kauna-unahang Agri-Pinoy Trading Center noong nakatalikod na Mayo 15, 2014 ay tinanggap ni Borja mula mismo kay Depatment of Agriculture (DA) Sec Proceso Alcala, ito ay para sa proyektong isasagawa na DAM o Small Water Impounding Project sa Brgy Maulawin ng bayan ng Sta. Elena upang madagdagan ang mga patubig sa mga sakahan ng palay sa naturang lugar.
Tumanggap naman ang Countryside Agrarian Reform Beneficiaries ng Maulawin, Sta.Elena ng mahigit 240 libong piso para naman sa Multi-Purpose Drying Pavement sa naturan din barangay. Kasama pa rin sa ipinamahagi ng DA sa bayan ng Sta. Elena ang 500 sets ng assorted vegetable seeds na nagkakahalaga ng P25,000.00.
Nagpasalamat naman ang mga magsasaka sa naturang barangay sa mga ahensya ng pamahalaan na tumulong sa kanilang mga magsasaka kina Governor Edgar Tallado at kay Mayor Dina Borja na tuwi-tuwinay kaagapay nila sa pagpapaunlad ng kanilang kabuhayan.
Samantala, napag-alaman din na simula ng manungkulan bilang alkalde ng bayan ng Sta Elena si Mayor Dina Borja ay malaki na ang ipinagbago ng kanyang bayan. Maliwanag na ang mga pangunahing lansangan at sa susunod na buwan (Hunyo) ay gaganapin na rin ang unang festival sa kanilang bayan, ang Palayog Festival. Ang nasabing festival ay pumangalawa sa isinagawang Street Dancing Competition nitong nakatalikod na Bantayog Festival 2014. Ayon pa kay Borja ay sisikapin ng kanyang administrasyon na maiangat ang turismo sa kanyang bayan na isa sa may malaking potensyal sa lalawigan ng Camarines Norte.
Naguulat,
Ricky Pera
CNNews/Bay Radio