TRANSAKSYON NI VM AHLONG ONG SA KANYANG OPISINA, TUWING UMAGA LAMANG! KALAHATI NG ARAW, PARA SA MGA PERSONAL NA LAKAD NA!

TRANSAKSYON NI VM AHLONG ONG SA KANYANG OPISINA, TUWING UMAGA LAMANG! KALAHATI NG ARAW, PARA SA MGA PERSONAL NA LAKAD NA!

Aminado si Daet Vice Mayor Noel Ahlong Ong na tuwing umaga lamang ang kanyang transaksyon sa Vice Mayor’s Office.

Ipinaliwanag ni Vice Mayor Ong sa panayam sa kanya nina Nardz Hernandez at Jorge Dayaon ng Kadamay Network PBN-DZMD na ang kalahating araw ay inilalaan nya sa kanyang mga personal na lakad partikular ang para sa mga proyekto nya sa mga paaralan at sa mga Barangay.

Bagamat hindi naman tinuran, sinabi ni VM Ong na hindi sya katulad ng ilang Vice Mayor sa lalawigan na pumapasok lamang sa opisina tuwing araw nlamang ng sesyon. Anya, mula Lunes hanggang Biyernes at sa tuwing may mga special session ay pumapasok sya bilang kanya ng trabaho. Subalit muli nitong binigyan diin na sa pag dating ng hapon ay sa personal na nya itong mga lakad.

Hinggil naman sa mga reklamo ng mga tricycle operators kaugnay ng pagkakaabala ng mga transaksyon sa Tricycle Regulatory Board dahil sa kalahating araw lamang ang bise alkalde sa opisina, sinabi nito na pumipirma naman ang SB Secretary na si Ginoong Celing Caranceja kung kayat walang dahilan para maabala ang transaksyon.

Samantala, mariin naman nitong itinanggi ang mga bali-balita na sya ang kontratista sa kontrobersyal na Mabulao Bridge. Maging ang ilang impormasyon na mismong sa opisina ng Bise Alkalde kinausap ang magiging kontratista sa mga proyektong pagkakagastusan ng uutangin ng munisipyo ay pinabulaanan din ni Ong.

CNNews



Leave a Reply

Your email address will not be published.