CAM NORTE, ISA SA MAY LIGTAS AT PINAKAMALINIS NA INUMING TUBIG SA BUONG BICOL REGION! & MASBATE, CAM. SUR AT ALBAY, KULELAT!

Nananatili pa ring isa sa may pinakamalinis na pinagkukunan ng inuming tubig ang lalawigan ng Camarines Norte.

Sa pinakahuling talaan na ipinalabas ng “LISTAHAN” o National Household Targeting for Poverty Reduction (NHTS-PR) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), lumalabas na umaabot na sa humigit kumulang 2.5 milyong poor households ang hanggang sa ngayon ay nananatiling walang mapagkunan ng ligtas na inuming tubig at tamang kalinisan.

Sa Rehiyong Bicol, umaabot sa 187, 673 na mga bikulano ang nakakaranas ng nasabing sitwasyon.  Tinukoy ng DSWD Field Office V na ang mga lalawigan ng Masbate, Camarines Sur at Albay ang may pinakamataas na insidente nito.

Ayun pa sa LISTAHAN,  base sa kanilang pag-aaral, tatlumpung porsiento (30%) ng mga mahihhirap na pamilya sa rehiyon ang kumukuha ng inuming tubig sa mga balon (Dug Well).  Malimit itong makikita sa mga liblib at malalayong barangay.

Ang “LISTAHAN” ang isang sistema ng DSWD na binuo para tumukoy sa mga mahihirap na pamilya at kung saan-saan ito matatagpuan o naninirahan.

Samantala, para matugunan ang nasabing suliranin, ang Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan-Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (KALAHI-CIDSS) ay nakapagsagawa na ng mga proyekto para magkaroon ng malinis na inuming tubig sa iba’t ibang lalawigan at bayan sa buong rehiyon.  Sa ngayon ay umaabot na sa 260 barangays ang napagawan nila ng potable water facilities.

Ang KALAHI-CIDSS ay isa sa mga programa ng DSWD para tugunan ang kahirapan sa pamamagitan ng Community Driven Development (CDD) approach.  Ang nasabing programa ay naghihikayat ng aktibong pakikipagtulungan ng mga mamamayan sa komunidad sa pagtukoy at pag-iimplementa ng mga pangkomunidad na proyekto.

Eliza Llovit

CNNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *