
Inaksyunan na ni San Vicente Mayor Francis Ong ang matagal nang reklamo ng mga motorist hinggil sap ag lalagay ng barikada sa daan patungo sa isang resort sa Mananap River sa bayan ng San Vicente.
Kasabay na ipinatanggal din ng alkalde ang harang na inilagay umano ng pamunuan ng Barangay Iraya Sur sa naturang munisipalidad na namamahala sa resort sa naturang Barangay.
Ayun kay Mayor Ong, naaabala ang mga motorista na dumaraan sa nasabing lugar dahilan sa kinakailangan munang bilangin ng nagbabantay sa barikada ang mga sakay ng mga sasakyan na mag pipicnic sa nasabing ilog. Samantalang nagiging dahilan naman ng pagkasira ng spillway ang inilagay na harang sa misming mga culvert na nasa ilalim ng nasabing istraktura. Sa ngayon ay nakalutang na halos sa sahig ng ilog ang spillway na maaaring magiba anumang oras.
Mismong ang provincial engineering office na anya ang nagbigay ng Go-Signal sa kanya upang gawin ang nasabing hakbang bago pa man lang ito makapag dulot ng trahedya sa mga dumadaan ditto.
Sa ngayon ay muli na naman umanong naglagay ng panibagong mini dam ang Barangay malapit pa rin sa nasabing spillway na ikinukunsiderang bawal ayun sa batas. Isang daan metro mula sa kahalintulad na istraktura lamang maaaring magsagawa ng paglalagay ng harang upang matiyak na hindi ito magiging sanhi ng pagkasira.
Nilinaw ng alkalde na wala naman syang pag tutol sa paniningil ng barangay sa mga naliligo sa kanilang mga ilog. Nais lamang nyang maging maayos ang Sistema at walang anumang batas na lalabagin ang operators nito at wala ring masisirang istraktura ng pamahalaan.
Rodel M. Llovit\Jeffrey de Leon
CNNews