BRIGADA ESKWELA, MATAGUMPAY NA NAISAGAWA SA CAMARINES NORTE! IBA’T IBANG SEKTOR AT AHENSYA, TUMULONG DIN!

BRIGADA ESKWELA, MATAGUMPAY NA NAISAGAWA SA CAMARINES NORTE! IBA’T IBANG SEKTOR AT AHENSYA, TUMULONG DIN!

na Hindi lamang ang mga magulang ang nagtulungan para sa programang Brigada Eskwela ng Department of Education kundi maging ang mula sa iba’t ibang sector ng lipunan.

Ang naturang programa ay naglalayon na maihanda ang mga paaralan bago pa man lang bumalik sa paaralan ang mga mag aaral mula sa pagbabakasyon. Ito ay upang hindi na maabala pa ang mga kabataan sa kanilang pagsisimula ng klase sa unang araw ng pasukan.

Dito sa lalawigan ng Camarines Norte, hindi lamang mga magulang ang nakiisa sa Brigada Eskwela. Ang Multi-Services Caravan ng Pamahalaang Panlalawigan na pinamumunuan ni Governor Edgardo Tallado ay pansamantalang binago ang kanilang regular na eschedule ng caravan. Sa loob ng isang buong lingo, nakibahagi ang multi-services caravan sa mga paaralan, para mag bigay ng serbisyo katulad ng mga libreng gupit sa mga mag aaral, libreng bunot ng ngipin, medical check-up sa mga magulang at estudyante at libreng gamot. Namigay din ng mga gamit sa paaralan at tsinelas si First Lady Jossie Tallado sa ilang mga paaralan na may mga mahihirap mag aaral.

Bukod sa grupo ni Governor Tallado, bumisita din sa mga paaralan sina Vice Governor Jonah Pimentel at mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan sa kani-kanilang distrito, nakita din ang ibat ibang mga NGO, mga miyembro ng Philippines National Police, Phil Army, mga Barangay officials at maging ang mga lokal na opisyal ng ibat ibang bayan. Ilang mga dayuhan din ang nakibahagi sa brigada eskwela.

Dito sa bayan ng Daet, nakita din na nakibahagi at nakipag tulungan si Mayor Tito Sarion sa ilang paaralan, bilang bahagi na ng kanilang pagpapakita ng suporta sa programang pang edukasyon.

Sa magandang resulta ng naturang programa, nagpasalamat naman si Dept. Ed Schools, Division Superentendent Dr. Arnulfo Balane sa pakikipagtulungan ng iba’t ibang sector mula sa gobyerno at pribadong sector. Ito anya itong senyales naisa pa rin ang edukasyon sa prayridad ng ating mga namumuno sa pamahalaan.

Bukas din naman anya ang kanyang tanggapan sa anumang reklamong ipararating ng mga magulang laban sa ilang mga guro o paaralan upang agarang maresolbahan at upang hindi na lumaki pa ang gusot.

Narito ang mga larawan mula sa iba’t ibang paaralan sa Camarines Norte:

Jeffrey De Leon/Jonathan Franco

CNNews

Some photos are Pulis ng Daet FB Page

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *