ORDINANSA SA PAGLALAGAY NG WOMEN’S DESK SA BAWAT BGRGY, NAKASALANG NA SA 3RD READING SA SB-DAET.

ORDINANSA SA PAGLALAGAY NG WOMEN’S DESK SA BAWAT BGRGY, NAKASALANG NA SA 3RD READING SA SB-DAET.

Lusot na sa unang pag dinig sa Sangguniang Bayan ng Daet ang Ordinansang isinusulong ni Konsehal Rosa Mia King may kaugnayan sa pag lalagay ng Women’s and Children’s Protection Desk sa bawat Barangay sa bayan ng Daet. Ito ay may titulong AN ORDINANCE ESTABLISHING VIOLENCE AGAINST WOMEN (VAW) DESK IN EVERY BARANGAY AND PROVIDING FOR ITS PROTOCOL, PROCEDURES AND IMPLEMENTING GUIDELINES IN DAET, CAMARINES NORTE AND APPROPRIATING FUNDS THEREOF. Nito lamang Mayo 21, 2014, nakapagpatawag na rin ng public hearing si konsehal King na dinaluhan ng mga Brgy Officials mula sa dalawampu’t limang Brgy ng Daet, partikular ang mga Punong Barangay, kagawad chairman on women and children, BPSO members at ilan pang mga may kinalaman sa naturang usapin

Layunin nito na mapalakas ang implementasyon ng batas hinggil sa pang aabuso sa mga kababaihan at sa kanilang mga anak, partikular ang pagpapatupad ng Republic Act 9262 o Anti Violence Against Women and Their Children.

Sa naturang pagdinig, tinalakay ang mga magiging papel at mga opisyal ng Barangay at kung sino ang maaaring maging tagapamuno nito. Ayun pa kay King, malaki at maselan ang magiging papel ng mga Barangay Official at ang mga tatayong opisyal o Violence Against Women (VAW) Desk Officer. Tinukoy nito ang hindi pag aksyon ng VAW, ang paglabag sa confidentiality rule, at ang pagsasagawa ng mediation na mahigpit na ipinagbabawa ay may mabigat ng kasong

kakaharapin. Kinakailangan umanong agaran ang maging pag kilos ng mga VAW officers sa oras na may dumulog na biktima na hindi na kinakailangan pang dumaan sa mediation. Nakasaad sa batas na agaran ang kinakailangang pagpapalabas ng BPO o Barangay Protection Order kung kinakailangan. Ang mga magiging paglabag dito ng mga opisyal ng Barangay ay mangangahulugan ng pagharap sa mga kasong administrastibo, kriminal at sibil.

Sa ilalim ng panuntunan, kinakailangan din anyang may hiwalay na log book para sa mga kasong may kaugnayan sa paglabag sa RA 9262, upang matiyak na hindi ito agad agad na makikita ng sinuman maliban sa mga awtorisadong personahe lamang. Kailangan din ng isang hiwalay na pasilidad na tutuluyan ng mga biktima sa oras na dumulog ito sa VAW. Dapat din na may roong mga nakahandang personal na gamit, katulad ng mga bagong Underwear, extrang damit, towel, blanket, at isang pribadong lugar para sa personal na mga pangangailangan ng babaeng biktima. Kasama dito ang mga recording instruments, katulad ng video and voice recorder na magagamit sa pag dokumento ng mga salaysay ng biktima.

At dahil espesyal ang nasabing batas, espesyal din ang bigat ng parusang maaaring ipataw sa sinumang lalabag sa pang aabuso sa mga kababaihan. Apat ang mga pangunahing Bagay na kailangang maproteksyunan ang mga kababaihan. Ito ay ang laban sa; Sexual Abuse, Physical Abuse, Psychological Abuse at Economic Abuse. Maging ang kahit kasintahan lamang, ka live-in o maging ang naka 1-night stand o date lamang ay maaari nang magsampa ng kaso laban sa lalaki.

Kaugnay ng bigat ng nasabing batas, inirekomenda naman ni Mayor Tito Sarion na gawing mas malawak ang pagpapaabot ng mga impormasyon hinggil dito upang maiwasan na ang pag labag dito at manatili ang pag galang at pagmamahal sa mga kababaihan. Marapat din anya na maintindihan ito ng mga kalalakihan upang maging aware din sila at maiwasan din na magamit ito para sa harashment, set up o blackmail laban sa ilang mga kalalakihan.

Katulad ni konsehal king, nais din naman ni Mayor Sarion na maging patas ang implementasyon ng mga batas hindi lamang para sa mga kababaihan kundi kalalakihan.

Bukas, May 26, 2014, sa regular na sesyon ng Sangguniang Bayan ng Daet, nakatakdang magsagawa ng Privilege Speech si Konsehal King hinggil pa rin sa nasabing usapin. Sa harap ito ng pangamba ng maraming kalalakihan na may mga kumento dito dahilan sa sobrang higpit at selan ng naturang batas. Ilang mga kalalakihan na rin ang nagpahayag ng kanilang saloobin na maaaring maging “didingkilan” (extremely sensitive) na ang mga kababaihan dahilan sa nasabing batas. Ang usaping ito ang nais na linawin at maipaliwanag ni King sa kanyang Privilege speech sa araw ng bukas. Anya, sa kabila ng ganitong batas ay maaari pa din namang mag reklamo ang mga kalalakihan laban sa mga kababaihan sa ilalim ng revised penal code. Ang RA 9262 ay isa anyang espesyal na batas na ginawa para sa mga kababaihan at mga kabataan na likas naman na mahina ang lakas o katawang pisikal kumpara sa mga kalalakihan, na maaaring hindi maipagtanggol ang sarili laban sa mga mang-aabuso sa mga ito.

Bukas na rin sa regular session ng SB-Daet inaasahan itong maipasa sa ikatlo at huling pagdinig upang ganap na itong maging batas at masimulan na ang pag tatatag VAW sa bawat Barangay.

Narito ang mga schedule ng mga seminars na ipapatawag ni konsehal King kasama ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan na magpapaliwanag ng bawat usapin, na dadaluhan pa rin ng mga personaheng kasama sa pagpapatupad ng nasabing ordinansa:

May 20, 2014  – Topic: R.A. 9262 and the Munisipal Ordinance,

June 3, 2014  – Gender and Development Plan and Budget, Magna-Carta for Women.

July 1, 2014 – Anti Trafficking, R.A. 9208 as amended by R.A. 10364 and Anti Rape Law and Rape Shelter Act.

July 15 – all related provisions on revised penal code, like acts of lasciviousness, sexual harassment, Family Code.

Isa rin ito sa mga pangunahing programa ng pamahalaang lokal ng Daet SA PANGUNGUNA NI Mayor Tito Sarion na kinakailangang gawin upang mas mapanatili ang karangalang tinatanggap ng bayan ng Daet may kaugnayan ng Good Housekeeping Award ng DILG. Kasama ang nasabing programa sa check list ng DILG hinggil sa naturang pagkilala. Bukod pa sa mga dati nang mga programang isinasagawa ng pamahalaang lokal ng Daet hinggil sa kalinisan,Good Governance, Environment, Peace and Order, education at iba pang programang pang kaunlaran at ikabubuti ng mamamayan.

Rodel Macaro Llovit

CNNews

Photo from Pulis ng Daet FB Page

(logo courtesy of google)


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *