
Pansamantala lamang na mananahimik ang Sangguniang Panlalawigan hinggil sa kasong administratibong isinampa sa kanila laban kay Vinzons Mayor Agnes Diezmo-Ang. ito ay bilang pag respeto at pakilala sa naging desisyon ng korte hinggil sa pagpapatigil sa SP sa pag dinig ng nasabing kaso.
Nitong nakatalikod ng linggo, kasabay ng team building, isinagawa ng SP ang kanilang regular na sesyon sa Calaguas Island at isa ang naturang usapin sa pormal na napag usapan.
Sa cellphone interview ng Camarines Norte News kay BM Mike Canlas, Chairman ng Committee on Good Government sa Sangguniang Panlalwigan, tatlo anya ang naging rekomendasyon bilang pagpipilian sa kanilang magiging desisyon.
A. Kilalanin ang Cease and Desist Order (CDO) at ihinto nang tuluyan ang pag dinig.
B. Kilalanin Cease and Desist Order at mag sampa ng mosyon o apela, at
C. Hindi kilalanin ang order ng korte at ipagpatuloy ang pag dinig.
Sa naturang tatlong opsyon, nanalo sa botong 5-7 ang letter “B” kontra sa “A”, samantalang wala namang pumanig sa option “C”. kung kayat inaasahan na rin ang pag bubuo ng resolusyon hinggil sa nasabing pagkilos na inaasahang pangungunahan na ng mga pumabor sa naturang desisyon.
Samantala, hindi pa man ganap na nakakalayo ang nasabing administrative case, may mga hindi pa kumpirmadong mga ulat na naman na panibagong kaso na naman diumano ang planong isampa laban kay Mayor Agnes Ang, ito ay kaso ng Dishonesty.
CNNews