2.7 MILYONG PISO TINANGGAP NG BAYAN NG TALISAY MULA SA BUB FUND NG Department of Trade and Industry (DTI)

2.7 MILYONG PISO TINANGGAP NG BAYAN NG TALISAY MULA SA BUB FUND NG Department of Trade and Industry (DTI)

Ipinagkaloob na ang halagang 2.775M Pesos ng Department of Trade and Industry (DTI)  sa lokal na pamahalaan ng Talisay mula sa Bottom Up Budgeting (BUB) Fund ng naturang ahensya na ngayon ay tinatawag ng Grassroots Participatory Budgeting Process (GPBP) Fund.

Isinagawa ang naturang turn –over  sa harap mismo ng mga kawani ng pamahalaang lokal matapos ang flag raising ceremony kahapon, Mayo 26, 2014.  Ipinagkaloob kay Mayor Ronnie Magana ang tseke ng mga kinatawan ng DTI na sina Ms. Christie A. Rivera, Senior Trade and Industry Development Specialist  at ni Ms. Agnes V. Fanoy, Trade and Industry Development Specialist.

Ang nasabing pondo ay para sa mga proyektong makatutulong upang mas mapaunlad ang pangunahing industriya ng bayan ng Talisay.  Kabilang sa mga proyektong napondohan ang Capability Building & Livelihood Development, Product Development and Marketing Promotion, OTOP Development Program, Garments Production (T-Shirts and Uniform), and Showcasing Rice-based Products.

Ikinagalak naman ng alkalde ang karagdagang pondo para sa bayan ng Talisay na mapapakinabangan naman ng kanyang mga kababayan.

Ricky Pera

CNNews Correspondent

Eliza Llovit

Editor

Leave a Reply

Your email address will not be published.