DEPT ED SEC. ARMIN LUISTRO, BIBISITA SA BAYAN NG DAET NGAYONG ARAW!

DEPT ED SEC. ARMIN LUISTRO, BIBISITA SA BAYAN NG DAET NGAYONG ARAW!

Darating ngayong araw Mayo 28, 2014 si Department of Education Secretary Armin Luistro ditto sa bayan ng Daet.

Sa kanyang itinerary, darating ang kalihim ganap na alas dyes ng umaga at didiretso sa tanggapan ni Mayor Tito Sarion at didiretso ng Lunch Kasama si Governor Egay Tallado. Pagkatapos ng pananghalian, didiretso na rin si Luistro sa Kapitolyo sa opisina ng Gobernador.

Alas 2 ng hapon, magiging tagapagsalita ni Bro. Armin sa isinasagawang Information, Communication and Technology Conference sa Daet Heritage Center.

Alas 2:30 ng hapon tutuloy si Luistro sa Division Office ng Dept Ed, sa tanggapan naman ni Schools Division Supt. Dr. Arnulfo Balane para makadaupang palad ang mga opisyal at kawani ng Dept Ed sa lalawigan.

Didiretso din ang nasabing opisyal sa Daet Teacher’s Farm Village, para bisitahin ang naturang proyekto para naman sa mga guro sa lalawigan.

Kahapon, sa panayam kay Regional Director Abcede, sinabi nito na impressed ang nasabing kalihim sa mga suportang ibinibigay ng Pamahalaang panlalawigan sa pangunguna ni Governor Egay Tallado at ng LGU Daet sa pangunguna ni Mayor tito Sarion sa mga programa ng Dept. Ed sa lalawigan.

Mismong si Mayor Sarion ang sumundo kay Sec. Luistro mula sa lunsod ng Naga patungo dito sa bayan ng Daet.

Pagkatapos ng buong maghapong programa, dito na rin sa bayan ng Daet magpapalipas ng gabi si Dept. Ed Secretary Luistro at tutulak pabalik ng lunsod ng Naga bukas patungo sa Pili airport pabalik naman sa Metro Manila.

Rodel Llovit

CNNews         

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *