Panibagong pagkilala na naman ang tinanggap ng lalawigan ng Camarines Norte mula sa Department of Interior and Local Government, partikular ang Seal of Good Housekeeping (Silver).
Kahapon ng umaga, sa Avenue Plaza Hotel sa lungsod ng Naga, tinanggap ni Governor Edgardo Tallado ang P7M counterpart fund mula sa DILG Performance Challenge Fund (PCF) sa pagkakapasa ito sa scaled-up 2012 Seal of Good Housekeeping (SGH) Assessment na isinasagawa ng Department of the Interior and Local Government, Region 5. Ginanap ang awarding sa pag-gunita sa ika-56 na kaarawan ng yumaong dating secretary ng DILG at Naga City Mayor Jesse Robredo na iginawad naman ni DILG Sec. Mar Roxas.
Tanging ang Camarines Norte sa mga lalawigan sa buong rehiyong Bicol ang tumanggap ng nasabing halaga ng proyekto. Nabatid din mula sa tanggapan ng Provincial Planning and Development Office na may mga naka line-up nang proyekto na paglalaanan ng nasabing halaga.
Samantala, sa mga bayan sa Camarines Norte ay tumanggap din ng award of Good Housekeeping ang mga bayan ng Jose pangniban at Sta. Elena , samantalang bukod sa award ay tumanggap naman ng 1 million pesos worth of projects ang mga bayan ng Paracale, Basud, San Lorenzo Ruiz, Talisay, San Vicente at Capalonga. Inilaan ng PG Camarines Norte ang nasabing financial incentive para sa proyektongConcreting of Manguisoc-Angas Road sa Mercedes-Basud batay sa pamantayan ng DILG SGH na dapat ilaan ang PCF sa mga high impact local development project na nakapaloob sa kanilang 2014 Annual Investment Programs (AIPs) na nakaugnay sa priority
development project na nakapaloob sa kanilang 2014 Annual Investment Programs (AIPs) na nakaugnay sa priority thrust ng pamahalaang nasyonal na itinukoy sa General Appropriation Act 2013 for PCF. ito ay sa layunging mapagsama ang local development initiatives sa national development agenda and priorities.
binigyang prayoridad ng PG Cam. Norte ang pagkongkreto ng Manguisoc-Angas Road sapagkat marami ang mabebenipisyuhan nito lalo na ang tinatayang 1,000 magsasaka, 500 mangingisda at may launching, at operation and maintenance costs ng proyekto.
Inaasahan na sa sandaling matapos ang kalsada, mas maraming local at dayuhang turista ang bibisita sa iba-ibang eco tourism destinations ng LGU Mercedes at sa buong probinsya sa kabuuan kasabay ng pag-unlad ng sektor ng agrikultura at pangisdaan sa mga lugar na sakop ng proyekto.
Samantala, ang DILG PCF ay isang performance-based program ng DILG na nagbigay ng financial Incentives sa mga local government units na pumasa sa mga sumusunod na pamantayan;1. Accountable Governance- ang basehan nito ay ang “unqualifief” or Qualified COA opinion on financial transactions; 2. transparent Governance – pagtupad sa: a) Full Disclosure Policy on Local Budget and Finances, Bids and Public Offerings at b. Government Procurement Act; at 3. Frontiline Service Performance – excellent o good performance ang rating ng LGU batay sa Anti-rape Act -Report Card Survey ng Civil Service Commission.
Magugunita ang Camarines Norte ay SGH awardee noong 2011 at sa taong 2012 sa bagong pamantayan ng DILG scalled-up SGH ay muli na namang napatunayan ang maayos na pangangalaga sa pamahalaang panlalawigan ng Camarines Norte. Ayon kay gob. Tallado, kanyang inaalay ang pagkilalang ito sa mga mahuhusay at tumatalima sa mga panuntunan na hepe at kawani ng pamahalaang panlalawigan.
Norj Abarca/Rodel Llovit/Jing Arriola Calimlim
photo by: Luigi Quirubin
CNNews