BOKAL MARMOL, KINUMPIRMA ANG KANYANG PAGTAKBO SA BAYAN NG DAET BILANG MAYOR O VICE MAYOR!

BOKAL MARMOL, KINUMPIRMA ANG KANYANG PAGTAKBO SA BAYAN NG DAET BILANG MAYOR O VICE MAYOR!

Tinapos na ni 2nd District Board Member Romeo Marmol ang mga usap-usapan na ito ay tatakbo ng alkalde dito sa bayan ng Daet.

Sa panayam ng Bay Radio, sa Tambalang Ricky at Aleth, sa Bay Lunch, tahasang inamin ni Marmol na sya ay tatakbo bilang alkalde o bise alkalde sa nabanggit na munisipalidad.

Una nang nagging laman ng usap-usapan ang umanoy plano nito sa pag takbo bilang alkalde at sa ngayon lamang ito nakumpirma, bagamat hindi nito tiniyak kung mayor o vice mayor ang kanyang susuungin ngayong 2016 national elections.

Si marmol ay siyam na taong nanungkulan bilang miyembro ng Sangguniang Bayan ng Daet, mula sa pagiging punong Barangay ng Brgy 2, Pasig. Pagkatapos ng kanyang 3 consecutive terms, umakyat na ito sa Sangguniang Panlalawigan at sa ngayon ay nasa ikatlong termino na rin.

Muling babalik si Marmol sa bayan ng Daet bilang alkalde o bise alkalde subalit hindi pa din naman nito matiyak kung ano ang kanyang kahihinatnan sakaling hindi sya ang piliin ng partido.

Matunog na rin ang pangalan ni Punong Barangay at Liga ng mga Barangay President Benito S. Ochoa bilang pambato ng Partido Liberal, samantalang usap usapan din ang pangalan ni Konsehal Joan Kristine Tabernilla-De Luna bilang bise alkalde ni Ochoa. Hanggang sa ngayon ay hindi pa din naman kinukumpirma ng Liga President ang nasabing mga usap-usapan.

Samantala, tiyak na din ang pagtakbo ni konsehal Concon Panotes bilang alkalde rin sa darating na eleksyon. May mga ulat na posibleng dito sumama si Marmol bilang Bise alkalde. Pinaguusapan na din ang muling pag takbo ni dating Governor Atoy Typoco bilang mayor, gayundin ang dating Governor na si Roy Padilla Jr., dating Vice Mayor Serafin “Panday” Raymundo at ang May bahay ni Mayor Tito Sarion na si Connie Belarma Sarion.

Una na rin namang nagparamdam sa publiko si Lag-on Punong Barangay Khing Sarion na tatakbo bilang bise alkalde. Maaari nitong makatunggali ang mga kilalang pangalan na rin sa Sangguniang Bayan bilang bise alkalde na sina Konsehal Sherwin Asis, Rosa Mia King at Felix Abano.

Jeffrey de Leon                                                                                             

CNNews Correspondent

Leave a Reply

Your email address will not be published.