Halos wala nang mapapakinabangan sa isang lumang bodega matapos na masunog ito kamakalawa ng umaga, ganap na alas 9 ng umaga sa Sta Cruz St, Brgy Poblacion sa bayan ng Vinzons.
Wala naman naitalang nasakatan sa sunog na agaran ding naapula ng mga kagawad ng pamatay sunog, ngunit umabot pa sa limang libo (5000) ang halaga ng mga nasunog.
Sinabi ni Municipal Fire Marshall SF03 Rolando Magana, hindi naman kumalat ang apoy sa lugar ng Pobalcion Sta Cruz St. ang tinumpok lang ng apoy itong nasabing bodega ng mga lumang gamit na nag lalaman din ng mga light materials.
Base sa inisyal na imbestigasyon ay nagsimula ang sunog sa dahon ng saging, dahil nag paliyab ng apoy itong may ari ng bodega sa mga basura ng biglang umakyat ang apoy sa bahay hanggang sa lumalala at mag kalat itong apoy.
Inabot ng lagpas 15-20 minuto ang sunog na naapula ng mga bumbero bandang 9:20 ng umaga.
Donde Consuelo/Jeffrey de Leon
CNNews