Isinasagawa ang 6-day Regional Mass Training para sa mga Grade 9 teachers sa buong lalawigan ng Camarines Norte na ginanap naman sa Mabini Colleges sa bayan ng Daet.
Nag-umpisa ang unang batch ng mga guro mga subjects na English, Science, Edukasyon sa Pagpapahalaga at Music, Arts, Physical Education and Health o MAPEH na nagsimula noong mayo 15, 2014 at nagtapos ng Mayo 20, 2014.
Nag-umpisa naman ang pangalawang batch sa Filipino, Mathematics at Araling Panlipunan na nagsimula naman noong Mayo 22, 2014 hanggang Mayo 27, 2014.
Ang nasabing programa ay nakapaloob sa k-12 Curriculum na programa ng Kagawaran ng Edukasyon na ipinatupad 3 taon na ang nakalilipas sa bisa ng Republic Act 10533 na sinimulan sa kindergarten at magpapatuloy hanggang sa grade 12 ang level.
Tatlong taon na rin ang nakakaraan ng magkaroon ng ganitong aktibidad na ang unang sumailalim ay ang kindergarten,grade 1 at grade 7 teachers, sinundan ng grade 2 at grade 8 ng sunod na taon at ngayon ngang taon ay ang grade 3 at grade 9 o ang tinatawag na k-3 at k-9 curriculum.
Nagsimula ito sa panimulang programa na kung saan nagbigay ng isang mahalagang mensahe si Schools Division Superintendent Arnulfo Balane ng Camarines Norte at hinimok ang mga guro sa lalawigan na maging huwaran at lider sa paglinang sa kahahayan ng mga batang mag-aaral na gawing holistic individual at maging global competitive sa pipiliin nilang mga larangan.
Mga pili at magagaling na trainors, education program specialists mula sa rehiyon ng bikol ang naging tagapagturo sa mga guro ng lalawigan.
Namahagi ang kagawaran ng mga learner’s manual, teaching at curriculum guide na siyang gagamitin at gagawing giya ng mga guro sa pagtuturo ng grade 3 at grade 9 sa pagpapatupad nito ngayong school year 2014.
Magpapatuloy ang ganitong mass training taun-taon at matatapos sa taong 2016. Mananatili pa rin ang katawagang Fourth Year High School ngayong taon at papalitan ito ng grade 10 sa susunod na taon.
Orlando L. Encinares
CNNews Correspondent