Isinagawa ang tatlong araw na Daet ICT Information and Communication Technology Conference noong Mayo 28 hanggang Mayo 30 sa Central Plaza Mall sa bayan ng Daet lalawigan ng Camarines Norte.
Isa ito sa mga national programa ng DOST Department of Science and Techonology sa pakikipagtulungan ng LGU-Daet sa pangunguna ni Mayor Tito Sarion upang bigyan ng impormasyon ang mga mamamayan ng Daet sa tinatawag na Rural Impact Sourcing Workshop na may temang “DIGITAL EMPLOYMENT THROUGH RURAL BUSINESS PROCESS OUTSOURCING (BPO) FOR INCLUSIVE GROWTH”
Layunin nito na maipakita ang mga oportunidad na maaring pagkakitaan sa pamamagitan ng pagtatrabaho sa loob lamang ng bahay sa pamamagitan ng internet at hindi na kinakailangang pumunta sa Metro Manila o,sa mga malalaking syudad o bayan sa bansa.
Mabibenipisyuhan nito ang mga mamamayan na naninirahan sa kanayunan kung saan malalaki ang populasyon subalit napakababa naman ang mga pinagkakakitaan.
Ang programang ito ng DOST ay ipinatupad na bahagi ng Philippine Development Plan 2011-2016 na naglalayon din na igenerate ang Economic and Social Impact sa mga maralita at gayon din bilang bahagi ng kanilang pagkakitaan
Ito ay batay na rin sa pag-aaral ni Ma. Lilibeth Padilla, head of the Public Affairs Unit ng Science and Technology Information Institute (STII) ng DOST.
Ang mga paksa sa workshop ay kinapapalooban ng general, tools and application of skills na kanilang pag-aaralan at para na rin gamitin sa mga darating na panahon.
Ang mga naging tagapagsalita ay mula sa mga CEO’s. ng Impact Sourcing Provider na sina Bert Barriga ng Digisource Incorporated, Butch Valenuela ng VISAYA KPO at Jorge Aurin ng Freelance Company.
Pagkatapos sa bayan ng Daet, ang workshops na ito ay magpapatuloy sa mga bayan ng Koronadal, South Cotabato, sa bayan ng Kalibo, Aklan, Surigao City, Surigao del Norte at Calbayog City, sa lalawigan ng Samar.
Orlando L Encinares
CNNews Correspondent