RETIRED DEPT ED SUPERVISOR NG CAM NORTE, PATAY SA AKSIDENTE! DRIVER NA MOTORSIKLO, NAMATAY NA RIN.

RETIRED DEPT ED SUPERVISOR NG CAM NORTE, PATAY SA AKSIDENTE!

Hindi na umabot pa ng buhay sa Camarines Norte Provincial Hospital (CNPH) ang retired Dept Ed Supervisor ng Camarines Norte na si Josefina Visitacion, 85 taong gulang at residente ng Purok 2, San Gregorio Village, Barangay Pamorangon, Daet.

608-Mrs-Visitacion-accdnt

Ayun sa ulat ng pulisya, ganap na alas 8:45 kamakalawa ng gabi habang papatawid sa Maharlika Highway ang biktima kasama ang isang binatilyo na si Noel Arugasion, 15 taong gulang, nang banggain ito ng isang humaharurot na motorsiklo na minamaneho ni Jener Abin Y Molina, 33 taong gulang, at residente naman ng Brgy. Langga, Basud, Camarines Norte. Mula sa bayan ng Daet patungo ng Basud ang driver ng ito ay aksidenteng sumalpok sa biktima.

Dead on Arrival si Ginang Visitacion nang isugod sa ospital, samantalang bahagya lang ang sugat na tinamo ng kanyang kasamang si Noel.

Malubha din ang naging kalagayan ng driver na si Jener Abin at agad na isinugod na rin sa pagamutan sa Lungsod ng Naga, at napaulat na ito ay binawian na rin ng buhay sa pagamutan doon.

-Ricky Pera

 CNNews Corespondent

Leave a Reply

Your email address will not be published.