CAM NORTE, MANANATILI SA ILALIM NG MGCQ; SUPPLEMENTAL GUIDELINES, INILABAS NG PGCN

Mananatili sa ilalim ng Modified General Community Quarantine o MGCQ ang probinsiya ng Camarines Norte bunsod ng tumataas na na bilang ng mga kumpirmado na kaso ng COVID-19 sa lalawigan.

Ito ay base sa ipinalabas ng Provincial Incident Management Team na bagong Supplemental Guidelines na nilagdaan ni Governor Edgardo Tallado na epektibo simula Hunyo 1 ng kasalukuyang taon.

Nakasaad dito na magpapatuloy sa pagsasagawa ng standard checkpoint activities, registration at documentation sa mga papasok ng lalawigan ang ang Quarantine Control Points (QCPs) ng lalawigan sa Barangay Tuaca, Basud at Barangay Tabugon Sta. Elena.

Ang curfew hours ay mananatili pa rin sa dati nitong oras na mula 9:00 ng gabi hanggang 5:00 ng umaga.

Ang face to face classes para sa tertiary at vocational courses ay mananatili rin  na suspendido, gayundin ang patuloy na pagbabawal ng mass gathering hanggang sa susunod na pag-aanunsiyo kung mayroon mang pagbabago.

Ang mga edad 14 pababa at edad 66 pababa ay hindi pa rin papayagan na lumabas ng kanilang mga tahanan maliban na lamang kung may kinalaman sa medical health emergencies.

Ang mga establisimento naman gaya ng hotels at resorts ay pahihintulutan na magoperate at tumanggap ng 50% lamang ng venue capacity na isasailalim sa inspeksiyon at pagmomonitor ng Provincial Tourism Monitoring Team (PTMT) at mga kinauukulan gaya ng mga punong barangay.

Patuloy din ang paalala sa publiko na makikipag-tulungan at maki-isa sa pamamagitan ng pagsunod sa mga alituntunin ng pamahalaan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *