Aalisin na sa ibang campuses ng Camarines Norte State College ang kursong Education. Ito ay bunsod na rin ng mababang turn-out ng passers sa nakatalikod na Licensure Examination for Teachers na umabot lamang sa 10% ang pumasa sa mga sumailalim sa naturang eksaminasyon mula sa CNSC nitong pinakahuling eksaminasyon.
Sa panayam kay Dr. Monsito Ilarde, ang pangulo ng Camarines Norte State College, sinabi nito na mag coconcentrate na lamang sa main campus ng Education Department upang mapagtuunan ng pansin ng kanilang mga guro.
Samantala, kaugnay sa mga scholars ng mga kongresista na nagkaproblema matapos alisin ng kongreso ang Pork Barrel, umaabot lamang sa 2,500 kada scholar ang kanilang maaaring sagutin dahilan na rin sa dami ng mga ito.
Sa ngayong sementer, magsisimula na ring mag palit ng uniporme ang mga estudyante ng CNSC, sisimulan ito sa mga 1st year college at hindi naman oobligahin ang mga 2nd year pataas. Maaari din naman na sa labas na ng paaralann magpatahi ng uniporme ang mga estudyante subalit kinakailangan lamang na manggaling sa school ang tela upang matiyak na uniporme ang kulay at klase ng tela na gagamitin ng mga estudyante.
Samantala, pinag-uusapan na din umano ayun kay President Ilarde ng CNSC Board Of Trustess (BOT) ang pag-abolish sa Basic Education ng CNSC. Gayunpaman, hindi pa naman ito ipatutupad ngayon dahil mismong ang kabuuan ng Board of Trustess ang syang magdedesisyon dito at maaaring matagalan pa ito. Hindi pa rin naman malinaw kung elementarya lamang o kasama na ang sekondarya ang tatanggalin gayung umiiral na din naman ang K to 12 program ng Dept of Education.
Sa ngayon ay patuloy ang isinasagawang mga proyekto ng CNSC sa pamumuno ni Dr. Ilarde partikular ang mga pagpapatayo at pagpapaayos ng mga school buildings at ilan pang mga pagawain sa umaabot sa pitong (7) campuses nito.
Rodel llovit/Ricky Pera