MAAGANG INUMAN NGAYONG UMAGA, NAUWI SA TAGAAN NG MAG KUMPARE SA BASUD!

MAAGANG INUMAN NGAYONG UMAGA, NAUWI SA TAGAAN NG MAG KUMPARE SA BASUD!

Nagresulta sa tagaan ng magkumpare ang maagang inuman sa Purok  1, Brgy. Pagsangahan sa bayan ng Basud.

Sa ulat ni Kadamay Ronald “Chinito/Pungay” Molina sa palatuntunan ni Junjun Quibral ng Kadamay Network PBN-DZMD, na ayun sa Record ng Phil National Police Basud, alas 5:50 ngayong umaga ng maganap ang nasabing tagaan ng magkumpare matapos ang pagtatalo sa hindi na nabanggit na usapin.

Agad na isinugod ang dalawa na nakilalang sina Danilo Bigatan Y Magana, 38 taong gulang, may asawa; at si Domingo Canates Y Soria, 38 anyos, pawang mga residente ng nabanggit ding Barangay.

Mga tama sa kamay at ulo ang sinapit ng dalawa bagamat hindi naman naging malubha ang mga sugat ng magkumpareng lasheng.

Sa ngayon ay parehong nagpapagaling pa sa Camarines Norte Provincial Hospital at hindi na rin nabatid kung sino o kung may balak pang magsampa ng kaso kaugnay ng insidente.

CNNews

Leave a Reply

Your email address will not be published.