2 EKTARYA NG BUNDOK SA CALAGUAS ISLAND, NASUNOG!

2 EKTARYA NG BUNDOK SA CALAGUAS ISLAND, NASUNOG!

6087
6086
6085
6084

Umaabot sa humigit kumulang dalawang ektarya ng kabundukan sa bahagi ng Calaguas Island ang nasunog kahapon, Hunyo 3, 2014, na tumagal ng labing apat (14) na oras.

Sa panayam ng CNNews kay Romil DelMoro, isa sa mga nakasaksi, nagsimula ang sunog sa grass fire ganap na alas 9:30 ng umaga at tumagal hanggang  alas dose ng madaling araw. Sinasabing nagsimula ang sunog sa isang upos ng sigarilyo na itinapon ng hindi nakilalang tao.

6083
6082
6081
60822

Ang sunog ay sumabay sa kafiestahan ng Brgy.Mangkawayan ng isla ng Calaguas. Ang sunog ay naganap sa daanan patungo sa nasabing brgy.

Ayun pa kay Delmoro, muntik ng abutin ang mga cottages ng sunog bago pa man ito tuluyang naagapan ng mga rumispondeng personahe. Sa laki ng sunog, naapula na lamang ito nang makalapit na sa mga cottages malapit sa beach front. Sinasabi rin na isa o dalawang talampakan na lang ang layo ng sunog sa mga cottage. Isang kilometro lamang ang layo ng sunog sa mahabang buhangin.

Muntik na rin abutin ang mga punong kahoy na kinalulugaran ng mga falcon birds na isa sa mga nakakapaakit sa mga turistang pumupunta sa isla ng Calaguas.

Bunsod ng init ng panahon, kung kayat mabilis na lumaki ang apoy at tuluyang nilamon ang malaking bahagi ng nasabing kabundukan.

Katulong sa pagresponde sa pag-apula ng apoy ang grupo ng Northlink Travel & Tour Agency kasama sila Kgwd.Pascual ng  nasabing Brgy, mga residente at maging ang mga turista ay tumulong rin upang hindi na umabot pa sa mga cottages sa naturang lugar.

Shiemar Joy “Kim” Fernandez/Jeffrey de Leon

CNNews, Correpondent.

Photos: Courtesy of Romil Delmoro

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *