BATALLION COMMANDER, COL. MICHAEL BUHAT, AALIS NA SA CAM NORTE! SP, NAGPASALAMAT SA MAGANDANG PERFORMANCE NI BUHAT!

BATALLION COMMANDER, COL. MICHAEL BUHAT, AALIS NA SA CAM NORTE! SP, NAGPASALAMAT SA MAGANDANG PERFORMANCE NI BUHAT!

Ikinatuwa at ipinagpasalamat ng mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ang magandang performance at hindi marahas na pamamahala ni Col. Michael Buhat bilang Commander ng 49th Battalion  ng Phil Army sa lalawigan ng Camarines Norte.

Kahapon, sa regular na sesyon ng SP, pormal nang nagpaalam si Col. Buhat na nakatakda nang ilipat sa 9th division sa Pili Camarines Sur. Hindi pa naman batid kung sino ang papalit kay Buhat sa kanyang mamakantehing posisyon sa Phil Army sa lalawigan. Wala pa din namang itinatakdang petsa kung kelan isasagawa ang turn over sa bagong papalit.

Unang nalipat sa lalawigan si Buhat noong may 5, 2012 at sa dalawang taon nitong panunungkulan ay maituturing umanong hindi ito naging marahas dahilan sa anim lamang ang naitalang engkwentro laban sa mga rebeldeng sundalo, apat lamang dito ang lalawigan ng Camarines Norte at ang dalawa ay sa lalawigan ng Camarines sur na kung saan ay sakop din ng kanyang hurisdiksyon. Kabilang na dito ang pagkakahuli sa bisa ng Warrant of Arrest at pagsasampa ng kaso sa dalawang matataas ng opisyal ng rebeldeng grupo sa rehiyon.  Ito ay sina Nancy Ortega na Secretary General ng Komprob ng Camarines Norte at ang 2nd in rank na si Ramon Arjente secretary ng Front Committee 71. Samantala, napatay naman sa isang engkwentro ang responsible sa pagkakapatay ng apat na sundalo ng pamahalaan  na si Aldrin Rabulan na Commanding Officer ng Regional Unit Guerilla ng NPA.

Sa panayam kay Buhat ng Camarines Norte News, sinabi nito na tumutok ang kanyang pamunuan sa loob ng dalawang taon sa pagpapalakas ng ugnayan ng mamamayan at kasundaluhan. Nakapagsagawa din sila ng mga Youth Leadership Trainings sa ibat ibang mga paaralan katuwang ang Local Gov’t Units at MDRRMO  na kauna-unahan sa rehiyon. Iba’t ibang mga programa pa ang inilatag ng naturang opisyal para maipakita ang kanilang suporta sa mamamayan at para hindi na anya mahikayat ang mga kabataan at mamamayan na sumapi sa mga rebeldeng grupo.

Bago sa Sangguniang Panlalawigan, una na ring nagpaalam sa SB Basud at Daet si Col. Buhat at maging sa ilan pang mga LGU officials kung saan naging kabahagi at katuwang din nya sa kanyang mga ipinatupad ng programa sa lalawigan ng Camarines Norte.

Rodel M. Llovit, CNNews

Photos by: Ricky Pera

Leave a Reply

Your email address will not be published.