LIGHT HOUSE, HINILING NI BM PARDO SA DOTC PARA SA CALAGUAS ISLAND!

LIGHT HOUSE, HINILING NI BM PARDO SA DOTC PARA SA CALAGUAS ISLAND!

Pasado na sa Sangguniang Panlalawigan ang dalawang resolusyon hinggil sa paglalagay ng Light House sa Calaguas Island.

Isinulong ni Bokal Pamela Pardo, Chairman, Committee on Tourism ng SP ang resolusyong humihiling sa Department of Transportation and Communication (DOTC) na makapagtayo ng Lighthouse with view deck na ilalagay sa itaas ng bundok. Kasabay na naaprubahan ang resolusyon na naka address naman kay Engr. Cezar Paita ng Provincial Engineering Office para sa pagpapagawa ng project design para sa nasagbing proyekto para sa agarang pagpoproseso nito sa DOTC.

Sa nakatalikod na sesyon ng SP kamakailan mismo sa Calaguas Island, samuโ€™t sari ang naging rekomendasyon ng mga miyembro ng SP para sa mas ika uunlad at ikagaganda ng nasabing pinaka papular na isla sa lalawigan.

Una na ring nakapag pasa ng resolusyon si BM Pardo na naka address sa mga kinatawan ng lalawigan na maipa deklara bilang eco turism zone ang nasabing isla. Nais din ni Pardo na gawing fish at bird sanctuary ang ilang bahagi ng nasabing karagatan para maproteksyunan din ang ng underwater beauty o marine resources at mapangalagaan ang mga ibon sa naturang lugar partikular ang anim na Falcon na nakikita dito ng mga residente.

Ikinalungkot lamang ni Bokal Pamela ang kanyang personal na nasaksihan ng marinig nya na may nagpuputol ng kahoy sa pamamagitan ng chain saw at mga nagsusunog ng basura sa mismong harapan ng dagat na isang malinaw na paglabag umano sa batas pangkalikasan.

Ayun sa record, umaabot sa humigit kumulang limang libong turista ang tumutungo sa Calaguas Island kada linggo, isa umanong patunay na lumalakas na ang turismo sa lalawigan sa pamamagitan ng Calaguas Island pa lamang. Maliban pa sa napakarami pang magagandang tanawin ang makikita sa lalawigan.

Sa kanilang pag tungo sa naturang isla, kasama sa naging rekomendasyon ng kabuuang miyembro ng Sangguniang Panlalwigan ang pag bubuo ng isang regulatory ordinance para lamang sa Calaguas Island.

Ilan sa mga maaaring maging laman nito ay ang pag regulate ng pamasahe sa bangka, pagbabawal sa pagtatayo ng high rise building, pag poproteksyon sa kalikasan at pagpapanatili ng naturalesa ng nasabing isla.

Magugunitang una na ring inahayag ni Governor Edgardo Tallado na isa sa kanyang mga prayoridad ngayong taon ay ang pagpapalakas ng turismo sa lalawigan. Inihahanda na rin ng pamahalaang panlalawigan ang Tourism Development Plan ng Camarines Norte na sasaklaw din sa naturang isla.

Samantala, hiniling din naman ni Board Member Senen Jerez sa pamamagitan ng resolusyon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na suspendihin ang pag iisyu Foreshore Lease Agreement (FLA) sa nasabing lugar. Layunin din nito ang mabantayan ang naturang isla sa posibleng maabuso ng mga negosyante sa gitna ng napakabilis na pag unlad ng turismo sa nasabing isla.

Makikita din anya sa ngayon ang walang habas na pag daong ng mga Bangka sa pam-pang ng dagat na nagiging dahilan ng pagkasira ng mga coral reefs at mga sea grasses sa mababaw na bahagi ng dagat sa tuwing itatapon ang mga angkla (anchor) ng mga ito sa dagat na maaari ding mag dulot ng aksidente. Kinuwestyon din ni Jeres ang labis na paniningil ng mga resort owners para sa docking fee na isa sa mga dapat na mapag tuunan ng pansin sa regulasyon para dito.

Anya, sa kanilang pakikipag-ugnayan sa mga local leaders, resort owners, tour operators lahat umano ang mga ito ay pawang sumasang-ayun sa mga balakin ng Pamahalaang Panlalawigan at Sangguniang Panlalawigan na makapagsagawa ng isang regulatory mechanism na mag reregulate sa mga tourist related activities sa isla at mag promote ng sustainable and responsible tourism, protection and conservation of ecology and marine environment at maproteksyunan din ang karapatan ng mga lokal na komunidad.

Rodel Llovit/Donde Consuelo, CNNews

Leave a Reply

Your email address will not be published.