STICKERS PARA SA KAPIYESTAHAN NG DAET, NAGSIMULA NANG IBENTA SA MGA MOTORISTA SA BAYAN NG DAET! PSTMO HEAD MON RAMOS, DINETALYE ANG PATUTUNGUHAN NG KIKITAIN.

STICKERS PARA SA KAPIYESTAHAN NG DAET, NAGSIMULA NANG IBENTA SA MGA MOTORISTA SA BAYAN NG DAET! PSTMO HEAD MON RAMOS, DINETALYE ANG PATUTUNGUHAN NG KIKITAIN.

Dinetalye ni Mr. Ramon Ramos, Head ng Public Safety and Traffic Management Office (PSTMO) kung saan mapupunta ang mapagbebentahan ng mga Stickers para sa mga motorist kaugnay ng kapiyentahan ng bayan ng Daet.

Sa panayam ng Camarines Norte News, sinabi ni Ramos na ang nasabing stickers ay nagkakahalaga ng P20 piso. Mula sa 20 pesos na benta, 5 piso dito ang mapupunta sa magbebenta bilang incentive at 7 pesos naman ang para sa halaga ng bawat isang sticker, kung kaya’t 8 piso na lamang ang mapupunta sa PSTMO.

Sa matitipon na benta, dito kukunin ang ilang mga gastusin ng PSTMO para pambili ng mga uniporme ng kanilang mga tauhan, gayundin ang para sa mga insurance ng mga ito gayung ang mga ito ay expose naman anya sa ulan at araw sa buong maghapon na trabaho ng mga ito. Mula sa dating 8 oras, gagawin nang 12 oras ang magiging duty ng kanilang mga tauhan mula alas 8 ng umaga hanggang alas 8 ng gabi. Kung kayat mula pa rin sa pagbebentahan ng stickers kukunin ang ilang mga gastusin sa pagdaragdag ng oras ng duty kasama na ang kanilang pagkain at gasolina ng kanilang mga ginagamit na motorsiklo.

Wala rin namang nakikitang masama si Konsehal Rosa Mia King ng Sangguniang Bayan ng Daet hinggil sa nasabing usapin. Kwento ng konsehal na dalawang taon na ang nakaraan ng pinatigil nya ang pag bebenta nito sa mga motorista matapos mabatid na labis sa itinakdang helaga ang pagbebenta nito.

Nitong nakatalikod na taon, ay naipagpatuloy din naman ito kaakibat ang kundisyon na susunod sa tamang halaga ang pagbebenta nito.

Ayun sa konsehal nauunawaan nya ang nasabing tradisyon na isinasagawa naman kahit sa ibang parte ng bansa tuwing may kapiyestahan.

Kinakailangan lamang anyang ibenta ito sa tamang halaga at hindi sapilitan. Kung sakali anya na pipilitin ang sinumang motorista na bentahan nito ay maaari din naman anyang ireklamo ang magbebenta nito.

Malaki din ang tiwala ni Konsehal King kay PSTMO Head Mon Ramos kung kayat naniniwala syang mapupunta sa mabuting direksyon ang kikitain sa nasabing fund raising.

Rodel Llovit,

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *