5 LIGHTHOUSE ITATAYO SA 2 DISTRICT NG CAM NORTE! DEED OF DONATIONS, KAILANGAN NG COASTGUARD PARA SA LUPANG PAGTATAYUAN!

5 LIGHTHOUSE ITATAYO SA 2 DISTRICT NG CAM NORTE! DEED OF DONATIONS, KAILANGAN NG COASTGUARD PARA SA LUPANG PAGTATAYUAN!

May pondo nang nakalaan para sa pagpapagawa ng parola sa limang lugar dito sa ikalawang distrito ng Camarines Norte. Ito ang kinumpirma ni Rogie Panotes, Chief of Staff ni 2nd Dist. Representative. Elmer Panotes sa panayam ng Camarines Norte News.

Isinagawa ni Panotes ang pahayag matapos na mabasa ang balita sa CNNews hinggil sa kahilingan ni Board Member Pamela Pardo sa DOTC para sa pagpapatayo ng parola o lighthouse sa Calaguas Island.

Ayun kay Ginoong Panotes na matagal nang nakapag sumite ng kahilingan ang tanggapan ni Cong. Panotes sa Philippine Coastguard at ito ay aprubado na at may pondo nang 3.5 Million bawat isa.

Mismong ang Coastguard na rin ayun kay Rogie Panotes ang tumukoy kung saan ilalagay ang nasabing mga Lighthouses. At ito ay ang mga lugar sa Barangay Banocboc sa Calaguas Island, San Jose sa bayan ng Talisay, Colasi sa bayan ng Mercedes, Sula sa Vinzons at Bagasbas sa bayan ng Daet.

Tanging ang deed of donations na lamang ang hinihintay ng Coastguard para tuluyan nang mapasimulan ang nasabing mga pagawain. Nais ng coastguard na mismong sa kanila idonate ang naturang mga pagtatayuang lupa dahilan sa sila naman ang magpaptayo at mamamahala o magmamantine nito.

Nangangamba si Panotes na sakaling walang magdonate ng kanilang lupa sa mga tinukoy na lugar ay babalik sa national treasury ang nasabing pondo na kanila sanang pinagsumikapan na mapakinabangan ng mga taga Camarines Norte.

Patuloy anyang nakikipag-ugnayan sa mga may-ari ng lupa ang tanggapan ni Panotes upang maiproseso na ang nasabing pagawain.

Taong 2012 pa ang nasabing request ni Cong. Panotes at hanggang ngayong buwan ng disyembre na lamang palugit ng nasabing ahensya bago ito tuluyang bawiin at ibalik sa kaban ng nasabing pondo.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *