PWD’s TUMANGGAP NG TULONG PINANSYAL PARA SA EDUKASYON!

PWD’s TUMANGGAP NG TULONG PINANSYAL PARA SA EDUKASYON!

Tumanggap ng tulong pinansiyal ang 350 Persons with Disablities (PWDs) sa lalawigan ng Camarines Norte sa isinagawang Awarding of Educational Financial Assistance for PWDs ngayong hapon sa agro-sports center ng kapitolyo probinsiya.

Sa 350 PWDs, 254 sa elementarya at 46 sa sekondarya ang tumanggap ng P2,000 ang bawat isa samantalang P5,000 naman sa 50 vocational/transition o kabuuang P850,000 tulong pinansiyal sa mga PWDs na nag-aaral.

Ito ay pinondohan ng pamahalaang panlalawigan sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PWSDO) sa ilalim ng Educational Financial Assistance Program for PWDs sa pamumuno ni Gobernador Edgardo A. Tallado.

608-c
608d
608
608ha

Samantala, sa mensahe ni Gobernador Tallado sa naturang programa, huwag mapagod ang mga magulang at mga guro sa pagtulong sa kanilang mga anak lalo na sa mga batang may kapansanan dahil ito para na rin sa kanilang kinabukasan ayon sa gobernador.

Aniya, ito ay mga pagsubok lamang at mayroon tayong ibat-ibang kapalaran ang bawat isa sa atin at makakaasa rin kayo na lalo pang pag-ibayuhin at palakasin ang mga programa para sa mga taong may kapansanan.

Ayon pa sa gobernador, malaki ang inilaang pondo ngayong taon upang matulungan ang mga PWDs at hindi lang nakatuon sa pagtulong sa mga iskolar kundi dapat rin na suportahan ang mga batang may kapansanan dahil sila ang nangangailangan.

Matatandaan ng nakaraang taon ng 2013 ay limang sets ng desktop computer kasama na dito ang mga program materials na nagkakahalaga ng P200,00 pondo ang ipinamahagi sa limang paaralan na mayroong Special Education. Ngayong taon naman ng 2014 ay 11 paaralan naman ang tumanggap ng tulong pinansiyal para sa edukasyon na magagamit ng mga PWDs sa kanilang pag-aaral at mga kagamitan sa paaralan.

Reyjun Villamonte PIA

CNNews

Photos by: Reyjun Villamonte PIA\Jeffrey De Leon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *