PAGDIRIWANG NG ARAW NG KASARINLAN SA CAMARINES NORTE! MGA ESTABLISHIMENTO NA NAGLAGAY/NAGSABIT NG BANDILA, BINIGYAN KOMENDASYON!

PAGDIRIWANG NG ARAW NG KASARINLAN SA CAMARINES NORTE! MGA ESTABLISHIMENTO NA NAGLAGAY/NAGSABIT NG BANDILA, BINIGYAN KOMENDASYON!

new2
new3
608-new

(Photos By: Luigi Querubin)

Naging matagumpay ang pagdiriwang sa lalawigan ng Camarines Norte ng ika-116 anibersaryo ng Kasarinlan ng Pilipinas na pinangunahan ngayon ni Vice Governor Jonah Pimentel. si Governor Edgardo Tallado ay maagang tumulak patungo ng lunsod ng Naga para dumalo sa kahalintulad ding okasyon kasama ang pangulong Noynoy Aquino.

alinsunod sa Executive Order No. 2014-29, itinakda ni Governor Edgardo  Tallado ang selebrasyon dito ng Anibersaryo ng Kalayaan ng Pilipinas simula Hunyo 12-19 ngayong taon.

Kasama ang kaatasan sa lahat ng pambansang ahensiya at instrumentaliti, lahat ng lokal na pamahalaan, mga pampubliko at pribadong paaralan, sosyo-sibiko at panrelihiyong organisasyon at lahat ng mga kinauukulan na magbigay ng lubos na suporta sa naturang pagdiriwang.

Maliban dito, una ng nagpalabas kamakailan ng Memorandum blg. 140520-01 ang gobernador na nag-aatas sa lahat ang paglalagay ng watawat sa mga tahanan, establisyemento, parke at mga tanggapan maging sa mga sasakyan kaugnay sa Flag Days o pagwagayway ng ating pambansang watawat simula noong Mayo 28.

kanina, bilang bahagi ng programa, isasagawa ang Misang pasasalamat sa ground floor ng kapitolyo probinsiya kasunod din nito ang pagtataas ng bandila ng Pilipinas.

Bilang pangalawang ama ng lalawigan, nagbigay din ng mensahe si Vice Gov. Pimentel na naghihikayat sa mamamayan ng Camarines Norte na ipagpatuloy ang pagmamahal sa bansa at pagpapahalaga sa kalayaan na tinatamasa natin ngayon na bunga ng pagbubuwis ng buhay ng mga bayani ng bansa.

Sinundan din ito ng parada o socio-civic military parade sa bayan ng Daet na nagtapos sa SM Hypermart Façade.

Samantala, pangungunahan naman ng Museum Archives and Shrine Curation Division ng pamahalaang panlalawigan ang Poster Making Contest sa Hunyo 13 at Likhang Sining sa Hunyo 19 na bahagi pa rin ng selebrasyon dito.

Ang poster making ay isasagawa sa Central Plaza Mall sa bayan ng Daet, ito ay bukas sa lahat ng indibidwal na nais sumali mula sa edad na 15-24 taong gulang at residente ng Camarines Norte.

Ganundin ang Likhang Sining naman sa harapan ng Museo Bulawan ng kapitolyo probinsiya, ito ay para sa mga mag-aaral, amateur playwrights at stage thespians at lehitimong residente pa rin dito.

Kaalinsabay din nito ang blood letting activity sa little theater ng agro-sports center sa kapitolyo probinsiya kung saan ang huling bahagi ng selebrasyon ay ang pagbasbas sa bagong kaaayos na tanggapan ng Museo Bulawan.

Una na ring hinikayat ni Goberandor Tallado ang lahat ng mamamayan ng lalawigan ng Camarines Norte na makiisa sa pagdiriwang sa ika-116 anibersaryo ng ating kalayaan lalo na ang pagwagayway ng ating Pambansang Watawat sa ating mga kabahayan, tanggapan at mga sasakyan man bilang pagbibigay-pugay sa ating mga ninuno at mga bayani ng bayan at bilang pasasalamat sa kalayaang tinatamasa natin hanggang ngayon.

Tema ngayong taon ang “Pagsunod sa Yapak ng mga Dakilang Pilipino, tungo sa Malawakang Permanenteng Pagbabago”

608-4
608-5
608-7
608-5

(Photos By: Luigi Querubin)

Related News 

Samantala, kasabay din ipinagdiriwang ang National Flag Day sa Pilipinas. Kanina ding umaga nang isagawa ni Ginoong Boboy Abrio ng Provincial Legal Office ang pag tungo sa iba’t ibang mga establishimento upang alamin kung isinasabuhay ng ating mga mamamayan ang nakasaad sa ating batas tungkol sa paglalagay ng bandila sa mga kahalintulad nitong okasyon.

6083
6082

(Photos By: Jeffrey De Leon)

Ayun pa kay Abrio na layunin umano ni Provincial Legal Officer Atty. Adan Botor na maiparating sa mamamayan ang  kahalagahan ng pagmamahal at pag respeto sa bandila na sumisimbolo sa ating bansang Pilipinas.

Narito ang mga establishimento sa pangunahing lugar sa Daet na nagsabit ng mga bandila sa kanilang establishimento na nagpakita ng kanilang pag mamahal sa bandila ng bansa:

New Pacific Hardware, New Era Trading, South Star Drugs, Graceland, Jolibee Centro, Botica Inmaculada Concepcion, Royal Enterprises, New Helen Trading, Chinese Drug Store, PCSO – Camarines Norte Office, USSC Service Store, J&H General Merchandizing, MC DO, BIGGS DAET, First Commercial, Broadway Hardware, Golden Palace Restaurant, Seguerra Optical Clinic, TAN SAN Textile, Asiatic Bazaar, HBC, Hongkong Trading, Wiltan Hotel, ALLAN MARC Book Center at 101 Dept Store.

6084

(Photo By: Jeffrey De Leon)

Ayun pa kay Abrio na kinakailangang alam ng ating mga mamamayan kung saan at kung papano ang tamang paglalagay ng Bandila dahil dito natin maipapakita an gating tunay na pagiging Pilipino sa Puso at Diwa. Anya, pinag aaralan pa ngayon ng tanggapan ni Atty. Botor kung bibigyan ng komendasyon ang nasabing mga negosyante na nagpakita ng pagmamahal sa bansa sa pamamagitan ng paglalagay ng Bandila.

Rodel Llovit, CNNews

Reyjun Villamonte, PIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *