NATIONAL DRAGON BOAT COMPETITION, SA CAM NORTE, NAGING MATAGUMPAY! TURISMO SA CAM NORTE, MAS LALONG LALAKAS!

NATIONAL DRAGON BOAT COMPETITION, SA CAM NORTE, NAGING MATAGUMPAY! TURISMO SA CAM NORTE, MAS LALONG LALAKAS!

new-3
new2

Naging matagumpay ang katatapos na 1st international Dragon Boat Competition sa Lalalawigan ng Camarines Norte na isinagawa naman sa Brgy Cayucyucan sa bayan ng Mercedes.

Kasabay ito nag pagdiriwang ng kapiyestahan sa nasabing bayan na ipinagdiriwang tuwing ika 13 ng buwan ng Hunyo, bilang pag pugay sa kanilang Patron San Antonio De Padua.

Katuwang ng Pamahalaang Lokal ng Mercedes sa pangunguna ni Mayor Alexander Pajarillo Lo ang GM Pacific Coast at ang Philippine Dragon Boat Federation sa nasabing historical event sa lalawigan sa larangan ng sports. Nag bigay din ng suporta ang League of Municipalities Camarines Norte Chapter sa pangunguna ni Mayor Tito Sarion sa pamamagitan ng pag bibigay ng karagdagang pondo para sa gastusin dito.

new-608
608-new

Dinaluhan ng ibat ibang dragon boat teams ang nasabing palarong pandagat mula sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas, kasama na dito ang mula sa lalawigan ng Camarines Sur at mula naman sa bayan ng Jose Panganiban dito sa Lalawigan ng Camarines Norte.

Narito ang resulta ng palaro:

Team                                               Time                              Rank

OPEN SMALL BOAT 200M FINALS

Blue Phoenix                                  1:02:03                              1

Onslaught Racing dragons           1:02:79                              2

RCP Warriors                                1:03:49                              3

Bicol River Hot Paddlers               1: 05: 25                           4

WOMEN CUMULATIVE FINALS 

RCP Warriors                              2: 13:59                              1

Blue Phoenix                              2:14:01                                2

Onslaught Racing dragons       2:17:33                                3

Bicol River Hot Paddlers            2:18:49                              4

MIXED SMALL BOAT 200M FINALS 

Lake Buhi                                  59:71                                  1

Bicol River Hot Paddlers           57:58                                  2

Onslaugh A                                57:90                                3

Buhi Cam Sur B                        59:58                                 4

Samantala, sa panayam ng Camarines Norte News kay Ginoong Hajel Dames, ang Event director ng nasabing kompetisyon, sinabi nito na dahilan sa magandang resulta ng nasabing kauna-unahang dragon boat competition sa bayan ng Mercedes, tiniyak umano ni Mayor Pajarillo Lo na masusundan pa ito sa susunod na taon at paglalaanan ng sapat na pondo para mas lalong maging matagumpay at mas makilala ang bayan ng Mercedes sa Buong Mundo sa larangan ng Dragon Boat.

new4
608new2

Nagpahayag din naman ng pasasalamat ang alakalde ng bayan ng bayan ng Mercedes sa kanyang mga kasamahan sa munisipyo na nagbuhos ng oras at pagod para sa ikatatagumpay ng proyektong ito.

Pagkatapos ng kompetisyon, isang beach party ang inihanda ng mga organizers sa pamamagitan ng Acustic Band, Fire Dancing at ilang pang mga kasiyahan para naman sa mga dumalo at sumuporta sa naturang okasyon.

Maging si Mayor Tito Sarion ng bayan ng Daet ay nagpahayag ng kanyang interes sa pagbuo rin ng Dragon Boat Team mula naman dito sa bayan ng Daet na sasali na rin sa susunod pang mga kompetisyon.

Samantala, ikinatuwa naman ni Governor Edgardo Tallado ang naging resulta ng National Competition dito sa lalawigan ng Camarines Norte, isa anya ito sa magiging karagdagang atraksyon sa lalawigan sa larangan ng Turismo at Sports. Magugunitang isa ang Turismo ang mga pinaglalaanan ng atensyon ng pamahalaang panlalawigan ngayong taon.

Maging si Provincial Tourism office Atty. Debbie Francisco ay nagpahayag din ng kagalakan sa nasabing aktibidad na magiging dahilan para mas lalo pang mapag usapan ang Camarines Norte maliban sa mga dati nang kilalang lugar dito, ang Bagasbas Beach ng Daet at ang Calaguas Island sa bayan ng Vinzons.

Inaasahan din ang mas malaking suporta ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamamagitan ng Provincial Tourism office sa mga susunod pang kahalintulad na aktibidad.

608-4
608-5
608-4
608-1

CNNews

Photos by: JP De Leon

CNNews Correspondent

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *