PINYASAN FESTIVAL SA BAYAN NG DAET, AT NAGSIMULA NA!

PINYASAN FESTIVAL SA BAYAN NG DAET, AT NAGSIMULA NA!

608-h
608-i
608-g
608-f

Pormal nang pinasimulan ang sampung araw ng celebrasyon ng Pinyasan Festival dito sa bayan ng Daet. Araw ng Linggo, June 15, 2014 sinimulan ang naturang okasyon sa pamamagitan ng banal na misa na pinangunahan ni Fr. Rainier Abaño at sinundan ng floral offering sa 1st Rizal monument. Agad ding isinunod ang pag bubukas ng “Bahay anihan Agro-Fair” sa harapan din mismo ng Heritage Center sa Jose Rizal St. kung makikita ang iba’t ibang produkto mula sa dalawamput limang Barangay ng Daet.

Isa sa mga pangunahing bisita na dumalo ay si Regional Director Maria Ong-Ravanilla ng Department of Tourism. Mensahe ni Ravanilla na kinakailangan ang suporta mula sa lahat ng sector upang mas lalong mapalakas ang Farm Tourism sa bayan ng Daet kung saan ay may malaking potensyal ang nasabing bayan.

Kinahapunan, isinagawa naman ang opening parade, na dinaluhan ng iba’t ibang mga contingent mula sa dalawamput limang barangay, NGO’s, Gov’t Agencies, at mga business establishments. kasabay na rin ang CAT, DLC and DBC competition na dinaluhan ng ibat ibang mga paaralan dito sa bayan ng Daet. Siyam na contingent mula sa High Schools at tatlo naman sa Elementarya.

608-a
608-c
608-d
608-e
608-b
_MG_4680

More Photos? Visit/click –>  Pinyasan Festival 2014 Updates

Narito ang resulta ng isinagawang kompetisyon:

BEST CAT

  •  3RD PLACE – MORENO INTEGRATED SCHOOL
  • 2ND PLACE – BATOBALANI NHS
  • 1ST PLACE – CAM NORTE STATE COLLEGE LAB (HS)

BEST MAJORETTE (HS)

  • 3RD PLACE – SAN ROQUE NATIONAL HS
  • 2ND PLACE – LA CONSOLACION COLLEGE OF DAET
  • 1ST PLACE – CAM NORTE STATE COLLEGE LAB (HS)

BEST MARCHING BAND (DLC)

  • 3RD SAN ROQUE NATIONAL HS
  • 2ND LA CONSOLACION COLLEGE OF DAET
  • 1ST CAM NORTE STATE COLLEGE LAB (HS)

BEST MAJORETTE (ELEM)

  • 3RD MANTAGBAC ELEM SCHOOL
  • 2ND LA CONSOLACION SCHOOL OF DAET
  • 1ST DAET ELEMENTARY SCHOOL

BEST MARCHING BAND (DBC, ELEM)

  • 3RD MANTAGBAC ELEMENTARY SCHOOL
  • 2ND LA CONSOLACION SCHOOL OF DAET
  • 1ST DAET ELEMENTARY SCHOOL

 CNNews

Leave a Reply

Your email address will not be published.