SANG. PANLALAWIGAN, PINAKAKASUHAN NA SA NEA ANG MGA TAONG SANGKOT SA IREGULARIDAD SA CANORECO, MATAPOS MAIBASURA ANG PALIWANAG NG MGA ITO!

SANG. PANLALAWIGAN, PINAKAKASUHAN NA SA NEA ANG MGA TAONG SANGKOT SA IREGULARIDAD SA CANORECO, MATAPOS MAIBASURA ANG PALIWANAG NG MGA ITO!

Nagkakaisang pinaboran ng mga myembro ng Sangguniang  Panlalawigan sa nakalipas na regular session na isunulong naman ni Bokal Romeo Marmol ang isang kahilingan na bigyan ng kaagarang aksyon ang lumabas na resulta ng isinagawang comprehensive audit SA Camarines Norte Electric Cooperative CANORECO, na isinagawa ng nasabing tanggapan na sumasaklaw sa mga panahon ng Augusto 1, 2011 hanggang Hulyo 31, 2013.

Sa pinalabas na sulat ni Edgardo R. Piamonte Administrator for Electric Distribution Utilities Services ng NEA noong nakaraang Mayo 27, 2014 may kaugnayan sa evaluation sa isinumiteng justification ng mga sangkot sa iregularidad, lumabas na ito ay pinawalang saysay at walang merito base sa naging pag aaral sa isinagawang audit ng NEA sa CANORECO. Nakita rin umano dito na nabigo ang mga opisyales ng CANORECO na protektahan ang interest ng umaabot sa 98,000 miyembro konsumedores.

Sa inabprobahang resulosyon ni Marmol, ang NEA lamang anya ang may kapangyarihan na magbigay ng karampatang kaparusahan sa lahat ng mga opisyales ng cooperatiba ng kuryente na kanilang nasasakupan.

Umaasa naman ang SP na agaran ang magiging pag tugon dito ng NEA upang ganap na ring mabigyan ng tuldok ang nasabing kontrobersiya at mapakagsimula na ng maayos at malinis na pamumuno sa nasabing kooperatiba ng kuryente.

Ricky Pera

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *