BOLI-BOLI, HULI SA AKTO NG ILEGAL NA PANGINGISDA!

BOLI-BOLI, HULI SA AKTO NG ILEGAL NA PANGINGISDA!

Inihahanda na ngayon ang pagsasampa ng kaso laban sa may ari- at tripulante ng isang Buli-Buli matapos na umanoy mahuli sa aktong pangingisda sa karagatang sakop ng bayan ng Vinzons.

Sa bayan ng Mercedes dumaong ang nasabing bangkang pangisda na nahuli ng PNP Maritime Command at Mayor’s Task Force, Bantay Dagat ng bayan ng Mercedes, subalit ayun kay P/Insp. Rogelyn Peratero Calandria, hepe ng Mercedes PNP, napag alaman na sa bahagi na ng karagatang sakop ng Sulong Bato Vinzons nahuli ang nasabing mga suspek, kung kayat ipinaubaya na nya sa Vinzons PNP ang desposisyon nito.

Ang naturang naturang Bangka na may pangalang F/B Jerick ay pag aari umano ng isang Mr. Rivero ng bayan ng Paracale Camarines Norte.

Samantala, kasama sa sasampahan ng kaso ang umaabot sa humigit kumulang dalawampung (20) tripulanteng sakay ng nasabing Bangka ng ito ay maapprehend ng mga awtoridad.

(Photos courtesy of Gerry Paredes, Executive Administrative Assistant LGU Mercedes)

608-C
608-B

Rodel Llovit

CNNews 

Leave a Reply

Your email address will not be published.