KINITA NG PALANYAG NGAYONG KAPIYESTAHAN, AALAMIN NG SB NG DAET!

KINITA NG PALANYAG NGAYONG KAPIYESTAHAN, AALAMIN NG SB NG DAET!

Nalamin ng Sangguniang Bayan ng Daet kung magkano ang pumasok na pondo sa kaban ng bayan ng Daet mula naman sa ibinayad ng mga magtitinda sa palanyag nitong nakalipas na kapiyestahan at Pinyasan Festival.

Sa nakatalikod na sesyon ng SB Daet, naitanong ni Liga ng mga Barangay President PB Benito Ochoa kung sino ang kumatawan para sa pamahalaang local ng Daet na nakipag ugnayan sa mga namamalanyag.

Agad na binanggit ni Konsehal Elmer Bacuño ang pangalang “Onyo” na nakikipag usap umano sa nasabing mga magtitinda.

Inirefer naman ni Konsehal Felix Abaño, bilang tumatayong temporary presiding officer ng naturang sesyon kay Konsehal Sherwin Asis bilang Chairman ng Committee on Ways and Means ng konseho.

Samantala, inihayag naman ni Asis na kinakailangan munang alamin kung sino talaga ang nagsilbing kinatawan ng treasurer’s office para sa pakikipag usap sa nasabing mga palanyageros.

Sa mga pagbubusisi, nabatid na ang tinutukoy na “Onyo” na unang nabanggit ni konsehal Bacuño ay si Ginoong Jun Daria, na bagamat naka ditene sa Tanggapan ng Ingat Yaman ay hindi naman umano ito ang inawtorisa ng kanilang opisina para sa nasabing transaksyon.

Nais ni konsehal Asis na alamin muna kung sino ang awtorisadong kawani na itinalaga para sa nasabing transaksyon bago ipatawag sa kanilang konseho.

Nauna nang nabanggit ni Mayor Tito Sarion na nakapaglagak na ng kanilang bayarin ang mga nagpapalanyag at inaasahan din ng pamahalaang lokal ng Daet ang ipinangakong donasyon ng mga nagpapalanyag para sa karagdagang gastusin ng pamahalaang lokal sa nakalipas na selebrasyon ng Pinyasan Festival.

Ang naturang palanyag sa napahintulutan sa pamamagitan ng Executifve Order na ipinalabas ni Mayor Tito Sarion, bilang karagdagang kita ng pamahalaang lokal at bilang bahagi ng tradisyon ng pagdiriwang ng kapiyestahan ng bayan ng Daet.

CNNews

Leave a Reply

Your email address will not be published.