REKLAMO HINGGIL SA PAGTATAPON NG BASURA NG MGA NAMAMALANYAG, AGARANG INAKSYUNAN NG MENRO DAET!

REKLAMO HINGGIL SA PAGTATAPON NG BASURA NG MGA NAMAMALANYAG, AGARANG INAKSYUNAN NG MENRO DAET!

Agaran naman ang naging aksyon ni Municipal Environment and Natural Resources Office MENRO Head, Rene Rosales hinggil sa reklamo ng pamunuan ng Barangay III hinggil sa mga itinatapos na basura mula sa mga magtitinda sa palanyag.

Una nang tumungo sa pamahalaang lokal ng Daet si Punong Brgy Alda Balon ng naturang barangay kasama ang kanyang mga kagawad upang ireklamo ang pagtatapos ng mga basura at may kasamang dumi ng tao sa mga kanal na sakop ng kanilang Barangay.

Sa Panayam ni Nardz Hernandez ng Kadamay Network PBN-DZMD, sinabi ni Rosales na agaran naman nilang nagawan ng paraan ang naturang problema at nakapagtalaga nan g mga Brgy Tanod mula sa Nrgy III na nagbabantay upang hindi na maulit ang nasabing pagtatapon ng nasura sa bawal na lougar.

Bago pa man nagsimula ang palanyag una na ring nagkaroon ng pag-uusap sa pagitan ng tanggapan ni Rosales at ng mga namamahala sa palanyag hinggil sa usapin ng pagpapanatili ng kalinisan ng kani-kanilang nasasakupan.

Sinabi pa ni Rosales na may itinakda silang oras para ilabas ang kanilang mga basura at kung saan ilalagay na magkahiwalay ang nabubulok at hindi nabubulok.

Meron na rin umanong nirentahan na bahay mula sa Brgy III ang mga nagpapalanyag para doon sila maligo at mga personal na gawain.

Sa pagtatapos ng palanyag, tiniyak din ni Rosales na magiging malinis ang lugar na pinaglagyan ng mga palanyag dahilan sa magtatalaga na sila ng mga garbage truck para agarang hakutin ang mga maiiwang basura ng mga palanyageros.

Hinggil naman sa napaulat na pagtatapon ng dumi ng tao sa ilog Daet, wala pa anyang nakakarating sa kanyang ulat hinggil dito bagamat tiniyak nito na pananagutin ang sinumang mahuhuli na gagawa nito.

Samantala, sa loob ng ilang araw na selebrasyon ng Pinyasan Festival, makikita rin ang mga kawani ng MENRO Daet, sa mga pangunahing lugar kung saan maraming tao na hindi maiwasang may mga nagtatapon ng mga basura. maging sa isinagawang mga street parade na bahagi ng okasyon ay mula sa pagdadaanan at hanggang sa hulihan ng parada ay nakabuntot ang kanilang mga street sweeper upang matiyak na agarang malilinis ang mga kalsada ng bayan ng Daet.

Eliza H. Llovit

CNNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *