Hihilingin ng Sangguniang Panlalawigan sa pamamgitan ng resolusyon kay Presidential Assistant on Food Security and Agricultural Modernization Francis Pangilinan ang halagang sampung (10) milyong piso para sa pagpapatayo ng Agricultural Laboratory na magagamit para sa pag sugpo at at mapaghandaan ang pinangangambahang pagpasok sa lalawigan ng Cocolisap.
Ang cocolisap ang isang uri ng peste sa mga puno ng niyog at kahalintulad na uri ng pananim na sumisipsip ng katas ng dahon hanggang sa mamatay at hindi makapagbunga ang puno.
Sa ngayon ay nalanap na sa bahagi ng Region IV ang nasbing peste at sinasabing patuloy na kumakalat hanggang sa mga karatiog lugar.
Isusulong ni Bokal Romeo Marmol ang resolusyong humihiling kay Pangilinan na makapaglaan ng nasabing halaga matapos na mabatid na umaabot sa apat na raang (400) milyong pisong pondo ang nakalaan ng tanggapan ni Pangilinan para lamang sa pag sugpo at pag control ng cocolisap sa mga apektado at maaapektuhang lalawigan sa bansa.
Gagamitin ang 10M piso para sa pagpapagawa ng isang Agricultural Laboratory kung saan dito magpapadami ng isang uri ng kulisap nan a kumakain naman ng cocolisap.
Sa pinakahuling pagiinpeksyon ng Philippine Coconut Authority, Dept of Agricultyre kasama sina Bokal Bong Quibral, at Bokal Romeo Marmol, nabatid na wala pa namang napapaulat na presensya ng nasabing peste sa kagubatang sakop ng Camarines Norte. Subalit ayun sa naturang mga opsiayl ay kinakailangan itong maagapan bago pa man lang ito makapasok sa lalawigan gayung ito ay laganap na sa kapit-probinsyang Quezon.
Samantala, una na rin nakipag ugnayan ang regional manager ng PCA kay Mayor Tito Sarion bilang pangulo ng League of Munisipalities Camarines Norte Chapter upang makapagsagawa ng pakikipag tulungan sa pagharang ng pagpasok ng nasabing peste sa mga bayan ng lalawigan.
Maging si Governor Edgardo Tallado ay nakapag tatag na din ng isang Task Force na nagbabantay sa mga entry points ng Camarines Norte upang ma inspection at mapigilan ang pagpapasok ng mga pananim na palmera na maaaring maging carrier ng coclisap.
CNNews