BENNY ELEVADO, WALANG KALABAN SA PAGKA-BOARD OF DIRECTOR NG DAET NORTH DIST. NG CANORECO! 100 BOTO, KAILANGANG MAI-CAST PA RIN!

BENNY ELEVADO, WALANG KALABAN SA PAGKA-BOARD OF DIRECTOR NG DAET NORTH DIST. NG CANORECO! 100 BOTO, KAILANGANG MAI-CAST PA RIN!

Sinertipikahan na ng National Electrification Administration, NEA bilang nag iisang kwalipikadong kandidato sa pagka Board of Director ng Camarines Norte Electric Cooperative CANORECO sa distrito ng Daet North si Engr. Benny Elevado.

Nakatakda ang eleksyon sa Hulyo 5, 2014, araw ng Sabado na gaganapin sa Daet Elementary School. Kinakailangan pa ring makakalap ng pinakamababang isang daang (100) boto si Elevado upang maitanghal bilang bagong director kapalit naman ng yumaong si Dir. Dante Lee.

Sa kabila ng kawalan ng kalaban, patuloy ang pangangampanya ni Elevado upang makuha ang isang daang boto at matiyak ang pagkakatalaga sa kanya.

Si Elevado lamang ang nakalusot ngayon sa napakahigpit na pamantayan na itinakda ng NEA. Isa sa mga bentahe ni Engr. Elevado ay ang pagiging Electrical Engineer nito na maaaring magamit para sa mas epektibong takbo ng kooperatiba.

Isa sa mga pangunahing programa na nais isulong nito ay ang pagbibigay ng konsiderasyon sa mga minimum usage consumers na hindi anya dapat agad maputulan sakaling hindi ito makapag bayad ng maliit na halaga ng bayaran. Katwiran ni Elevado, karagdagang pahirap pa sa mga maliliit na konsumedores na hindi na nakabayad ng maliit na bayarin dahil sa kahirapan ay madadagdagan pa ang pasakit kung sakaling mapuputulan pa ng serbisyo ng kuryente. Magiging dagdag pang gastusan ng mga ito ang reconnecton fee na ipapataw sa pagbabalik ng linya.

Tututukan din at pag aaralan ng naturang inhenyero ang mga pass-on-charges na binabalikat ng mga miyembro konsumedores gayung hindi naman ang mga ito ang dapat na gumagastos sa kakulangan ng iba.

Pag aaralan din nito ang kabuuang nilalaman ng mga polisiya ng CANORECO at aalamin kung alin sa mga bahagi nito ang kinakailangan nang mabago para sa ikagaganda ng serbisyo ng kooperatiba.

CNNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *