NEDA, PINAMOMONITOR ANG LAHAT NG MGA INFRA PROJECTS SA CAMARINES NORTE!

NEDA, PINAMOMONITOR ANG LAHAT NG MGA INFRA PROJECTS SA CAMARINES NORTE!

Sinisimulan na ngayon ng binuong monitoring team ng National Economic Development Authority NEDA, para magsagawa ng monitoring sa lahat ng mga infrastructure projects kaugnay ng implementasyon ng mga ito.

Isa si Board Member Marmol ang isa sa nagsasagawa ng pagsisiyasat sa nasabing mga pagawain na nasa ilalim ng Department of Public Works and Highways DPWD. Kasama na dito ang mga proyekto ng road widening, mga tulay at lahat ng mga proyekto ng pamahalaang nasyunal sa lalawigan ng Camarines Norte.

Ang nasabing monitoring team ay binuo ng NEDA at Regional Development Council, na binubuno naman ng mga kinatawan mula sa NEDA, RDC, Provincial Planning and Development Office, Provincial Engineering Office, DPWH at Municipal Engineerng Office.

Sa panayam ng 102.9 Bay Radio, sinabi ni Marmol na nakipag ugnayan na rin sya sa pamunuan ng DPWH kaugnay sa nasabing pagkilos.

Sinabi ni Marmol na kanilang tinitingnan kung sapat ang mga accomplishment reports na isinusumite ng mga kontratista base sa naging implementasyon ng bawat proyekto. Partikular ang mga ilalim ng ng tulay, kung may mga nakaharang pang mga istraktura, ang mga shoulders nito sakaling maicertify na ito ay 100 percent completed na o ang bawat phase nito.

May mga ilan umanong natuklasan si Marmol na bagamat nakasumite na bilang 100 percent completed subalit madami pang mga dapat na linisin o isaayos.

Ilan sa mga napuntahan na ng monitoring team ay ang mga tulay na isinasagawa sa lalawigan, maging ang Cory Aquino Boulivard at ang Agri-Pinoy trading Center nabisita din ng mga ito. Bagamat sinabi ni bokal Marmol na wala naman silang nakitang problema sa naturang mga proyekto sa implementasyon nito.

Hanggang sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang pag iikot ni Marmol sa lahat ng mga pagawain sa buong lalawigan at nakatakda nyang isumite ang kabuuang ulat sa tanggapan ng NEDA.

Sa mga susunod din anyang pag sisiyasat ay makakasama din nila ang kinatawan mula sa NEDA upang personal ding Makita ng mga ito ang mga pagawain ng pamahalaan sa probinsya.

Samantala, sa follow ng Camarines Norte News sa ilang miyembro ng Sangguniang Panlalawigan, nabatid na hindi naman umano ito kailanman napag-usapan sa kanilang sesyon. Maging sa committee on infrastructure ng SP ay hindi rin umano ito natalakay. Gayunpaman, suportado naman umano nila ito gayung maganda naman ang layunin ng nasabing pagkilos.

CNNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *