Bagsak sa kamay ng Phil. Drug Enforcement Agency PDEA na pinamumunuan ni Provincial Officer Enrique Lucero at Daet, Phil National Police ang isang Lola na pinaghihinalaang tulak ng illegal na drogra.
Ngayong umaga lang, 5:45am June 30, 2014, mula sa lunsod ng Maynila, kabababa lang ng DLTB Bus, ng suspek ng ihain ng mga awtoridad ang marked money kapalit ng umaabot sa humigit kumulang 150 gramo ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng umaabot sa 450k pesos.
Matapos na maisagawa ang palitan ng kalakal, agad na dinampot na ng mga awtoridad ang suspek na nakilalang si Delia Magno Y Ariola, 62 taong gulang ng Brgy San Jose, Bula Camarines Sur.
Kausap na sa Maynila pa lamang ng PDEA Agent ang suspek at napakasunduan na ihatid dito sa bayan ng Daet ang droga. Nagkaroon pa umano ng tawaran sa halaga ng naturang kontrabando, bago naisarado ang transaksyon.
Depensa ng suspek na isa nang senior citizen, napag utusan lamang sya at hindi nya alam na droga ang laman ng kanyang dala dala. Idinahilan din nito na may sakit ang kanyang asawa kung kayat tinanggap nya ang pinapatrabaho sa kanya ng pag deliver ng isang bagay ng hindi nya alam. Ito arin anya ang kauna-unahang pagkakataon na ginawa nya ito.
Samantala, matapos ang isinagawang mga proseso, agad na ring dinala sa himpilan ng Daet PNP si aling Delia at pansamantalang idinitene habang inihahanda ang kasong paglabag sa Article 11 Section 5 of RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Presente sa nasabing raid ang kinatawan mula sa Department of Justice DOJ, Brgy Official ng Camambugan at Media.
Agaran na ring dinala sa PNP Laboratory sa Camp Wenceslao Vinzons ang pinaghihinalaang droga para isailalim ng eksaminasyon.
Samantala, nabatid sa PNP na hindi maaaring makapaglagak ng piyansa ang suspek habang dinidinig ang kaso dahilan na rin sa dami ng produktong nakuha dito.
Ricky Pera
CNNews