Arestado ang isa na naming ginang sa bayan ng Daet, Camarines Norte matapos na mahulihan ng pinaghihinalaang shabu kaninang umaga, Hulyo 1, 2014.
Sa bisa ng Search Warrant na ipinalabas ni Executive Judge Arniel Dating, pinasok ng mga alagad ng Daet Philippine National Police sa pangunguna ni PInsp. Heinrich Bert T. Villaluz, Intel Officer ng Daet PNP ang tahanan ng isang Ginang Amalia Realingo aka “Amy” sa Purok 1, Brgy IV, Daet, Camarines Norte. Ito ay sa pag labag sa Sec. 11, art. II ng RA 9165 o Possession of Illegal Drugs.

Kasama ang mga kinatawan mula sa Department of Justice, ilang miyembro ng Media at opisyal ng Barangay, hinalughog ng mga awtoridad ang tahanan ng suspek. Bago pa man ang paghalughog, kusa nang itinuro ni aling Amalia ang kinalalagyan ng pitong piraso ng malalaking plastic sachet, labing tatlo pang maliliit na plastic sachet na naglalaman ng mga Crystalline Substance na pinaghihinalaang Shabu. Nakuha din sa suspek ang halagang walong libong piso sa ibat ibang denominasyon at mga Drug Paraphernalia.
Agad ding dinala sa PNP Laboratory ang mga nakumpiskang mga ebidensya upang ipasuri. Samantalang pansamantalang dinala sa costodiya ng Daet PNP ang suspek habang inkihahanda ang kaso laban sa kanya.
Note: ang pamunuan ng pahayagang ito ay naniniwalang inosente pa ang suspek hanggat hindi napatutunayan ng korte
Ricky Pera
CNNews