DR. ARNULFO SALAGOSTE, TINATANGKANG BUMALIK BILANG PHO NG CAM NORTE! RETIREMENT NA SINUMITE, AYAW NANG ITULOY?

DR. ARNULFO SALAGOSTE, TINATANGKANG BUMALIK BILANG PHO NG CAM NORTE! RETIREMENT NA SINUMITE, AYAW NANG ITULOY?


Muling nababalot ngayon ng kontrobersiya ang Camarines Norte Provincial Hospital matapos lumutang ang mga
usap-usapan ng planong pagbabalik ni dating Camarines Norte Provincial Health Officer Dr. Arnulfo Salagoste.

Palaisipan ito sa marami matapos na nauna nang mag sumite ng kanyang pagbibitiw at pagreretiro si Salagoste na epektibo nitong nakatalikod na Hunyo 30, 2014 kasabay ng kanyang kaarawan. Hindi pa rin naman pormal na naaprubahan ang kanyang retirement dahilan na rin sa mga requirments o clearances na hinihingi ni Governor Edgardo Tallado bilang bahagi lamang ng normal na proseso.

Tinangka ng mga miyembro ng media na makunan ng pahayag si Dr. Salagoste subalit sinabi nito na sa tamang panahon ay magsasalita sya. Samantala, tikom din naman ang bibig ni OIC Provincial Health Officer Dr. Myrna Rojas hinggil sa isyu. Sinabi ng doktora na wala syang maipapahayag hinggil sa usapin dahilan sa itinalaga lang naman sya ng gobernador at sumusunod lamang sya sa iniatang sa kanyang tungkulin.

Itinuro ni Dra. Rojas ang media tungo kay Provincial Legal Officer Atty. Adan Botor na maaari anyang tanungin hinggil sa issue gayung ito ay usaping legal. Sa ngayon ay hindi pa naman natuloy ang inaasahang pagbabalik ni Salagoste sa Provincial Hospital para sana bawiin ang nasabing posisyon, at ayun sa mga impormasyon ay nakapag sumite ito ng leave hanggang sa hindi pa nabatid na petsa.

Magugunitang minsan na ring napatawan suspensyon si Dr. Salagoste na nag bunsod para maitalaga si Dra. Rojas bilang pansamantalang kapalit sa kanyang nabakanteng posisyon.   

 Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *