PINAGHAHANDAAN NA NG PDRRMC ANG MGA AKTIBIDAD AT PROGRAMA PARA SA SELBERASYON NG NATIONAL DISASTER CONSCIOUSNESS MONTH!

PINAGHAHANDAAN NA NG PDRRMC ANG MGA AKTIBIDAD AT PROGRAMA PARA SA SELBERASYON NG NATIONAL DISASTER CONSCIOUSNESS MONTH!

Mga aktibidad at programa para sa selebrasyon ng National Disaster Consciousness Month, pinaghahandaan na ng PDRRMC ng Camarines Norte

Pinaghahandaan na ngayon ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC) ng lalawigan ng Camarines Norte ang mga isasagawang aktibidad at programa para sa selebrasyon ng National Disaster Risk Consciousness Month sa buwan ng Hulyo ngayong taon.

Ito ay kaugnay sa isinagawang pagpupulong noong MIyerkules (Hunyo 25) sa session hall ng sangguniang panlalawigan sa kapitolyo probinsiya na pinangunahan ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) ng pamahalaang panlalawigan.

Sa bahagi ng agenda sa pagpupulong, tinalakay ni Acting PDRRM Officer Arnel S. Ferrer kaugnay sa compliance ng Seal on Local Good Governace para sa disaster preparedness, kung saan ito ay para sa lahat ng local government units na dapat ay mayroong profile ang kanilang tanggapan buhat sa mga LGUs na validated na ang risk assessment and vulnerability ganundin ang early warning and evacuation alert system.

Aniya, marami na rin sa mga LGUs ang mga mayroong emergency vehicles na kanilang magagamit at patuloy ang pagsasanay para sa kanilang response team at pinagtutuunan din ang relief operations at medical support dahil kapag mayroong kalamidad ay mas kailangan ang pag-iingat lalo’t higit sa mga evacuation na dapat ay mayroong security at keeping personnel.

Ayon pa rin kay Ferrer, hinihiling niya rin na ang lahat ng MDRRMCs ay magbigay ng kopya sa kanilang tanggapan kaugnay sa budgeting on respective municipality ganundin ang Contingency Plan, Provincial Development Physical Framework Plan at Local Climate Change Action Plan.

Kinakailangan na ang lahat ng mga isinasagawang aktibidad ay dapat dukomentado kung saan hinahangad rin sa lahat ang kanilang kooperasyon upang magkaroon ng standard operating procedure sa oras ng kalamidad, dagdag pa ni Ferrer. Samantala, pangungunahan naman ng PDRRMC ng Camarines Norte ang 3rd Quarter Full Council Meeting ng RDRRMC na isasagawa dito sa lalawigan sa ika-30 ng Hulyo ngayong taon.

Kabilang sa mga aktibidad at programa ang PDRR and Climate Change Adaptation Skills Olympics, programa sa radyo para sa disaster consciousness month upang mas lalo pang mapaigting ang adbokasiya sa kahandaan sa kalamidad.

Isasagawa din ang paglilinis sa mga coastal areas dito na pangungunahan ng Department of Education (DepEd) at mga mag-aaral ng pribado at pampublikong paaralan kasama din ang MDRRMCs at BDRRMCs.

Ganundin ang “Iwas lamok, iwas dengue” dahil sa malapit na ang tag-ulan ay magkakaroon ng paglilinis sa mga kanal upang maging patuloy ang daloy ng tubig at malinis ang pinamumugaran ng mga lamok.

Isasagawa naman ang 3rd Provincial Skills Olympics sa Hulyo 15-17 kung saan target ang mga mag-aaral na lalahok dito ay 42 sa elementarya, 18 sa sekondarya at 15 sa kolehiyo.

At magsadya pa rin sa tanggapan ng PDRRMO o sa Mat-I, Vinzons para sa mga karagdagang impormasyon tungkol sa paligsahan kung saan ang huling araw ng pagsusumite ng kanilang ilalahok ay hanggang Hulyo 5 o sampung-araw bago ganapin ang naturang paligsahan.

Tema ng selebrasyon ang “Kahandaan at kaligtasan ng pamayanan, pondasyon ng kaunlaran”.

By: Reyjun Villamonte

CNNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *