PRESYO NG BIGAS SA MGA PAMILIHANG BAYAN BINABANTAYAN NG NFA CAMARINES NORTE, SAPAT NA SUPLAY NG BIGAS, SINIGURO

PRESYO NG BIGAS SA MGA PAMILIHANG BAYAN BINABANTAYAN NG NFA CAMARINES NORTE, SAPAT NA SUPLAY NG BIGAS, SINIGURO

Patuloy na binabantayan ng tanggapan ng National Food Authority (NFA) ng Camarines Norte ang presyo ng bigas sa mga pamilihang bayan dito.

Ayon kay Senior Grain Operation Officer Rodolfo Lozano ng NFA dito, hindi tumataas ang presyo ng bigas sa mga pamilihang bayan kung saan ito ay mabibili pa rin sa halagang P38 bawat kilo ang regular milled rice at P40 hanggang P42 ang well milled rice.

Aniya, umaabot naman sa halagang P44 bawat kilo ang presyo ng bigas na premium rice o passive varieties katulad ng senandomeng, jasmine at angelica.

Ayon pa rin kay Lozano, sapat ang suplay ng bigas sa lalawigan ng Camarines Norte kung saan nakaimbak sa kanilang bodega ang 76,000 sako ng bigas na magtatagal hanggang Disyembre ngayong taon.

Dagdag pa niya na mayroong 84,00 sako ng bigas mula sa bansa ng Vietnam ang maaari pang dumating dito para sa karagdagang suplay ng bigas ng lalawigan.

Nakaimbak rin sa kanilang bodega ang 5,254 sako ng palay at hinihikayat pa rin ang mga magsasaka na magbenta ng kanilang palay sa tanggapan ng NFA.

Mabibili naman sa halagang P17 bawat kilo ang palay at may insentibo na 30 sentimo kapag ito ay bilad at karagdagang pa rin na 20 sentimo bawat kilo kung ito ay dadalhin sa naturang tanggapan.

Ayon pa rin kay Lozano, umiikot ang kanilang rolling store sa mga barangay na nagbebenta ng NFA rice na mabibili sa halagang P27 bawat kilo simula araw ng Lunes hanggang Biyernes.

Nakatakda naman na magsagawa ng pagpupulong sa Lunes (June 30) ang naturang tanggapan sa mga outlet dedicated o grupo sa palengke na nais magsolo ng pagtitinda ng NFA rice sa mga pamilihan.

By: Reyjun Villamonte

CNNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *